KABANATA 42: LINLANG

2056 Words

"Huwag ka ng magpaligoy-ligoy pa, Ponciano. Ipakita mo sa'kin si Higantatay at ibabalik ko ng buo si Cerestina sa'yo." Matapang na usal ni Aeron. Hindi siya maaaring magpakita ng takot sa kaharap, hindi sa ganitong pagkakataon. Mataman siyang pinagmasdan ni Ponciano. Maya-maya pa ay buhat-buhat na ng dalawang alagad niyo mula sa kung saan ang kinauupuan ni Higantatay. Naroon ito at mukhang hinang-hina na ang katawan. "Tay!" Malakas na tawag ni Aeron sa matanda, akma sana niyang lalapitan ito pero mabilis na humarang sa kanya si Ponciano. Bumaba pa ang tingin niyo sa kanyang beywang kung saan nakasuksok ang sandata. "Bakit hindi na lang tayo magkasundo, Aeron?" Kaagad bumait ang awra ng matanda. Pero nginisian lamang siya ni Aeron. "Anong klaseng kasunduan naman ang gusto mo, Ponciano?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD