Payapa at kuntentong ihinilig ni Cerestina ang ulo sa braso ni Aeron habang ang kanyang katawan ay marahang yumakap sa h***d nitong katawan. Ang magkahalong takot at kasiyahan kanina ay napalitan ng purong tuwa. Masayang-masaya siya sa mga nangyari, hindi man sila parehas bihasa ni Aeron sa ganitong gawain, ang mahalaga ay napaligaya nila ang isa't-isa sa paraang alam nila. Kusang pumikit ang mata niya ng dampian ni Aeron ng munting halik ang kanyang noo. "Ok ka lang ba?" Malambing na tanong nito. Nag-angat siya ng tingin sa binata at sinalubong ang mga mata nito. "Sobrang ok. Ikaw?" Nakangiting tugon niya. "Masaya. Sobra.." Muli niyang niyakap ang binata. Walang salitang nagpapatunay kung ano ang ugnayan nilang dalawa, hindi malinaw kung mahal ba nila ang isa't-isa subalit higit pa na

