“B-bitiwan mo ko!” Galit na nagpipiglas si Tina mula sa mahigpit na pagkakahawak ni Ezekiel subalit gaya ng ama niya, mas malakas itong ‘di hamak kaysa sa kanya. Nag-isip siya ng mas mahusay na estratehiya, tumakbo siya at nagpatiuna dito pagkatapos ay huminto mismo sa tapat ng binate. “Saan mo ba ako dadal’hin, ha?” Huminto naman ito sa paglalakad. “Sa lugar kung saan hindi mo sila magagambala.” Ngumisi si Tina sa kaharap, hindi maganda ang pakiramdam niya. Lumapit siya kay Ezekiel, hindi niya alam kung uubra ang plano niya pero susubukan niya pa rin. “Di ba nais mo rin naman tayong maging isa? Paano ako papayag kung alam ko na maraming inililihim sa akin ang future husband ko?” Pinalamlam niya pa ang mga mata at marahang hinaplos ang malapad na dibdib ni Ezekiel. Kung tutuusin, gwap

