Lahat ng pangyayari ay malinaw na nakita at narinig ni Aeron. Hindi siya maaaring magkamali sa mga nalaman niya, kung paano dayain ni Ponciano si Tina at halos baligtarin na ang buong bahay mahanap lamang ang sandata na ngayon ay pag-aari niya na. Ng marinig niya ang tungkol sa pagpapakasal ni Tina sa Ezekiel na yun ay nais niya ng lumabas at itakbo ang dalaga palayo sa mga nilalang na iyon. Tama, hindi sila mga tao kung hindi masasamang nilalang na nagkatawang-tao lamang. Subalit sa bandang huli ay nag-isip siyang muli kung makakatulong ba talaga ang gagawin niya. Muli niyang naalala ang bilin ni Higantatay na huwag magpadalus-dalos ng desisyon. Matiyaga na lang siyang maghihintay kung kailan aalis ang matanda at mga kasama nito. Mahigpit niyang hinawakan ang maliit na sandata sa kanyan

