KABANATA 31: TALI

1020 Words

Mabilis na nakatulog si Tina sa mga bisig ni Aeron ng gabing iyon. May init mang nagsisimulang bumangon sa katauhan niya ay pilit niya iyong kinondena. Hindi lang din siguro siya kumportable lalo at alam niyang nasa labas lang si Ezekiel. Hindi na yata iyon lumabas sa sasakyan niya. Bagay na binalewala na lamang ni Tina at lihim na ipinagpasalamat dahil hindi niya na ito kailangang makita pa. Subalit naalimpungatan siya sa pakiramdam na parang may nagmamasid sa kaniya. Nakapikit man ay pinakiramdaman niya ang paligid partikular na ang puwesto ni Aeron kanina. Sinubukan niyang kapain ang binata doon dahil wala na ang bisig nitong nakayakap sa kanya pero wala siyang mahawakan kung hindi ang bakanteng espasyo. Doon siya marahang nagmulat ng mga mata. Medyo madilim ang paligid. May kakauntin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD