Subalit ang mga ungol ay nagmistulang mga daing ng mapansin niyang tila nanlalaban si Cerestina. Kitang-kita niya ang pagpapakawala ng suntok ng lalaki dahilan upang ang malalakas na pagdaing ni Tina ay tuluyang humina. Doon lamang parang natauhan si Aeron, kahit mahigpit ang pagkakatali ng kaniyang mga kamay ay pilit niya iyong hinihila mula sa tila alambreng nakapulupot doon. Ramdam niya ang hapdi at kirot dahil sa mga sugat pero hindi niya na iyon alintana. Hanggang sa unti-unti ng dumudulas ang braso niya, malapit niya na iyong matanggal, kaunting piglas pa... Kaya niyang tagalan ang mga sakit subalit hindi ang natatanaw niya. Abot-abot ang kaba niya dahil wala na siyang marinig na kahit ano mula kay Tina. Gusto niyang sumigaw at gisingin ang dalaga subalit natatakot din siyang gumaw

