“T-tama ka nga, Aeron. Pero.. a-anong ginagawa nila?” Nahihintakutang tanong ni Tina. “Hindi ko rin alam,” mahinang tugon naman ni Aeron. Masikip ang puwesto nila doon at nangangati na rin ang tuhod niya at siko mula sa pagkakasubsob sa magagaspang na d**o. “Anong gagawin natin? Mananatili na lang ba tayo dito?” “Sshh, huwag ka munang maingay, hindi pa natin alam kung may iba pa silang kakayahan. Kailangan nating mag-ingat.” Upang mabawasan ang takot na nadarama ay mahigpit na hinawakan ni Aeron ang kamay ni Tina. “Magtiwala ka lang sa ‘kin, ha? Hindi kita pababayaan.” Tumango na lamang si Tina bilang tugon sa kaniya. Muli nilang binalikan ng tingin ang mga nilalang at sa pagkakataong iyon ay sinusubukan naman ng mga itong buksan ang pintuan ng bahay. “Wala na ang bagay na pumoprotek

