Marahang lumapit si Aeron sa clear glass at walang takot na nakipagtitigan sa lalaking nasa labas. Hindi siya makapapayag na marami pa itong masirang buhay. Wala siyang magagawa kung ikagagalit man ni Tina ang mga gagawin niya. Kahit pa sabihing espesyal para sa kaniya ang dalaga, hindi noon mababago ang katotohanan na isang masamang nilalang ang ama nito at kinakailangan niya iyong puksain balang araw. “Hindi madaling kalabanin ang mga ‘yan, Aeron. Gagamitin nila lahat ng bagay na posibleng makapagpahina sa’yo, ang mga bagay na mahal mo, kung ano ang nakakapagpagalit sa’yo upang mas madali ka nilang malilinlang.” Puno ng kuryusidad siyang tumitingin kay Higantatay. Hindi man magtanong ay alam niyang nababasa nito ang mga katanungan sa mata niya. “Isipin mong maigi kung ano ang magigi

