L-lumayo ka sa’kin!” malakas na sigaw ni Tina. Pero patuloy na lumalapit si Aeron. “Ano ba, sisigaw talaga ako.”Nagbabanta ang tinig ng dalaga. “E’di sumigaw ka, anong akala mo may makakarinig pa sa’yo? Masasayang lang ang pagod mo.” Nakangising saad ni Aeron. Sa narinig ay bumakas ang matinding takot sa magandang mukha ni Tina. Nagsimulang mamuo ang luha sa kaniyang mga mata. Doon lamang biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Aeron, bumunghalit siya ng isang malakas na tawa. Halos maluha na rin siya sa labis na saya. “Sorry, pero totoo ba? Sineryoso mo talaga?” Ang takot na nasa mukha ni Tina ay dagling napalitan ng galit. “Loko ka pala, e. Hindi na nga maganda pakiramdam ko niloloko mo pa ‘ko!” Muli ay sumeryoso ang mukha ni Aeron. “At sinong nagsabi na niloloko kita?” malami

