"Kawawang tao, ni wala na silang kaluluwa para maglakbay sa magulo at madilim na paraisong naghihintay sa kanila." Nakangising usal ng isang lalaki habang masaya niyang hinihimas ang kanyang labi. Kahit naghati-hati lang sila sa katawan ng isang lalaki, feeling niya ay napunan noon ang lahat ng kakulangan sa kanya. "Ganyan ang napapala ng walang isang salita. Sana sa susunod, marami pa ang kusang lumapit sa atin, magpasilaw at huwag tumupad sa kasunduan. Umaasa pa rin ako na balang araw ay hindi na tayo maghahati-hati sa iisang katawan lang." Tugon naman ng isa pa. "Huwag kayong mag-alala, basta huhusayan niyo sa mga ipinapagawa ni Pinuno, pasasaan ba at siya na rin ang magbibigay sa atin ng dagdag lakas? Sa ngayon, enjoy-in niyo muna ang pansamantalang kalayaan." Nakangising utos sa kan

