"Hinayaan mo siyang magpasok ng isa nanamang mortal?" Mahina subalit mariing tanong ni Amias kay Higantatay. "Kailangang-kailangan nila ang tulong natin. Hindi ko maatim na panuorin na lang silang gawan ng masama kung may alam naman ako maitutulong sa kanila." Buhat doon ay napatayo sa galit si Amias. Hindi na ikinagulat ni Higantatay ang naging reaksyon nito. Alam niyang labag sa kautusan ng kaharian nila ang ginawa niya. "Ito na nga ba ang sinasabi ko. Noong una pa lang hindi ba't sinabi ko na sa'yo na hindi tayo dapat nakikialam sa problema ng mga mortal! Ginawa mo nanamang kumplikado ang mga bagay-bagay, Higantatay!" "Patawad, Pinuno." Nakayukod na saad niya. "Pero hindi nati. Maaaring takasan na lang habang panahon ang kaganapang gaya nito. Alam ko na alam mong may konekta tayo sa

