K A B A N A T A 88: "Mama, bilis! Mama dali na po!" "Huwag kang tumakbo, anak!" marahan sigaw ko nang bahagyang tumakbo si Arki nang makita ang mga palaro sa perya na tinutukoy ni Ardo. Kagaya ng sinabi niya ay natuloy kami sa pagsama sa kanila sa bayan, kasama namin ang mga magulang niya pero naiwan na ang mga ito sa dinaanan naming may palarong binggo. Hindi naman na ako makakatanggi lalo't ginamit niya ang anak ko para pumayag ako at isa pa ay naisip kong minsan lang din naman ito ay gusto ko rin maranasan ni Arki ang mga ganitong klaseng bagay. Hinila-hila ako ng aking anak sa pulso ko habang naglalakad kami animong nae-excite siya. Madaming tao sa paligid, hindi katulad ng normal na gabi lang. Malamang, inaabangan din nila 'yong sinasabi ni Ardo na bisita, may pa-program ata mam

