K A B A N A T A 87: This is not all my plan. Iyon ang naisip ko nang humapon, habang pinapanuod si Kiro na makipaghabulan sa mga naging kaibigan na niyang kapit bahay lang din namin. Rinig ko ang halakhakan nila habang naghahabulan sa gilid dalampasigan, papalubog na ang araw. Magaling na ang sugat ni Kiro kaya nakakapaglaro-laro na ulit, ilang araw din siyang nasa bahay lang noon. May pa . . . 'Binata na ako Mama' pero heto't siya at nakikipaghabulan pa rin naman. Nakakatuwang isipin na nagagawa na niya ang ginagawa ng mga normal na bata na kasing edad niya. Ang bilis nga ng panahon, ang bilis magbago ng lahat. Naisip kong hindi naman ito talaga ang aking plinano simula noong una, hindi ko ito inaasahan at nagbago lang nang malaman kong ang pagtalikod ng isang taong pinagkakatiwal

