KABANATA 86

1212 Words

K A B A N A T A 86: "Oh hipon, sariwa! Bili na kayo! Ninety pesos isang kilo na! Oh mga siki bili na! Ate ganda bili ka na po!" Napalingon sa batang tindero sa palengke kung saan ako araw-araw namimili ng sariwang mga gulay at isda. Lagi ko siyang binibilhan dahil natutuwa ako sa kanya, bukod pa roon ay naawa rin dahil sa murang edad ay nagtatrabaho na siya. "Isang kilo," sabi ko. Mabilis siyang kumilos, pinanuod ko siyang piliin ako ng mga hipon. "Ate, hindi ka ata namelengke kahapon. Hindi ko kayo nakita," tanong niya habang kinikilo na ang pinamili ko. Naglabas na ako ng saktong halaga para pambayad sa kanya. "Ah, oo e. Pinatulian ko kasi `yong anak ko, sa bayan na kami kumain hindi ako nagluto," sabi ko sa kanya, inabot ko ang bayad sa kanya saka kinuha ang plastic na lalagyan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD