K A B A N A T A 54: THIRD PERSON'S POV-Flashback INIS na ibinalibag ni Herman Agustin ang isang baso ng alak. Kadadating lang niya galing Thailand at sinalubong siya ng mga tauhan niya ng may masamang balita. Bukod sa hindi na nga nakuha ng mga ito ang pakay ay nalagasan pa sila ng mga tauhan isang linggo na ang nakaraan. Tapos ang anak pa niyang babae ay hindi mahagilap. "Mierda! Gano'n ba sila kalakas! Sino ba ang mga p*tang*na mga iyon?" singhal niya sa kanang kamay niyang si Spade. "Hindi po namukhan ng mga tauhan natin, Boss." Nakayukong usal nito sa malalim na boses. Mas lalong nagngitngit ang ulo ng Matanda ng ibalita ang nanyari sa anak niya. "Ano namang nanyari kay Deborah?" inis na baling niya sa isang tauhan. "She's on her way, Boss," sabi ulit ni Spade, naningkit ang ka

