K A B A N A T A 55: PAGpasok ni Deb ay tumambad sa kaniya si Diamond na may kalandian sa cellphone, nakahiga ito sa sofa animong bahay na bahay niya ang lugar nila. "Yes baby I miss you too, of course Monic mamatay na nga ata ako kapag wala ka sa buhay ko," komento nito, tapos ay tumahimik ito sandali saka napakamot ng batok. Tinaas ni Deborah ang kilay niya at pinagkrus ang braso, alam niyang hindi pa siya nito nakikita. "No. I said Moreen, yes hindi ko naman makakalimutan ang pangalan mo baby, kahit panaginip ay naririnig ko pangalan mo mahal no," pagdadahilan nito. Deb rolled her eyes, siguradong nagkamali ito ng banggit sa pangalan ng kausap. Tumikhim siya kaya gulat itong napaupo. "I'll call you later baby," anito, mukhang may sinasabi pa ang kausap pero ibinaba na nito ang tawag.

