K A B A N A T A 83: Taas-noo ako nang pumasok sa kusina kinabukasan, walang bakas ng pag-iyak kagabi, walang bakas ng sama ng loob, walang bakas ng isang dismayado. Halos hindi na ako nakatulog hanggang sumikat ang araw dahil pakiramdam ko ay hindi na kami ligtas ni Arki habang kasama sila. Dilat ako buong magdamag, lutang lang habang nakatitig sa kisame. Pilit pinag-uulit sa aking isip ang mga nangyari nitong mga nakaraan araw. Ang mga sinabi niya at mga paniniwala ko. I should have know! Dapat ay naramdaman ko na ito, hindi ako naging kampante masiyado. Hindi ko alam kung sino pa ba ang kasama ni Spade sa planong ito ngunit, malabong siya lang mag-isa. Alam ba ni Diamond? Sila ang madalas magkasama, simula noon pa man kaya hindi malabong hindi niya alam ang mga kilo si Spade lalo na

