K A B A N A T A 84: Hawak-hawak ko ang kamay ni Arki habang nasa dalampasigan kami. Hinayaan ko na siyang makalabas pagkatapos ko siyang kausapin nang masinsinan, sinugurado kong maiintindihan niya kung anong klaseng sitwasyon kami ngayon at basta hindi lang ito isang laro. Alam ko naman mahirap ito para sa bata ngunit alam ko rin hindi lingid sa kanyang kaalaman ang uri ng trabaho ng kanyang ama, at ako. Hindi na bago sa kanya kung makakita man ng baril o away siguro. Alam kong hindi tama ang imulat ang bata sa ganitong klase ng mundo lalo't alam ko ang pakiramdam noon dahil gano'n din naman ako, lumaki sa ganitong sitwasyon na hindi ko naman ginusto pero wala na rin naman akong nagawa sa huli ay natutunan ko na lang din mahalin ang ganitong uri ng aming pamumuhay. Hinimas ako ang ka

