K A B A N A T A 40: Malamig na hangin ang yumakap sa aking mukha habang tinatanaw ko ang pagsayaw ng alon sa bangka na aking sinasakyan. Inipon ko sa aking kanan balikat ang aking buhok na hanggang beywang upang hindi sumabog sa lakas ng hangin. Hindi pa rin ako makapaniwalang anumang oras ay tatapak na ako sa isla na hindi ko maisip na mababalikan ko pa. Simula kaninang makarating kami sa port ay tahimik na lang akong nakasunod sa mag-ama. Hindi ako sigurado sa sinabi ni Grimore, sinabi lang ba niya iyon para hindi na mangulit ang aming anak sa pagtatanong tungkol sa akin? Hindi ko alam kung dapat ba akong maniwala pa sa sinabi niya, bumalik? No, I won't believe him. Sa galit niya sa gabing iyon sa akin ay sigurado ako roon. "Narito na po tayo," deklara ng isang tauhan na siyang na

