THANK YOU SO MUCH PO SA MGA BUMABASA NITO. :> K A B A N A T A 41: Hindi ko na mabilang ang aking buntong hininga habang nasa loob ng aking kwarto na katabi ng kwarto ni Arki na katabi naman ng masters bedroom, kung nasaan ang kwarto ni Grimore. Hindi na gano'n kalaki ang aking kwarto kumpara sa bahay ni Grim ngunit ayos na rin. Kahit nga sa lapag na lang ako sa kwarto ni Arki ay ayos na ako ngunit alam kong hindi iyon papayagan ni Grimore. Hindi pa rin mawala sa aking isip ang nangyari sa ibaba kanina. May altar ako roon, na may abo ko at larawan. Iniisip ba niyang patay na ako? Pero malabo, isa siya makapangyarihan tao na kakilala ko at madali lang para sa kanya ang humanap ng impormasasyon kung ako nga ang namatay sa araw na iyon. Nagpakawala ulit ako ng buntong hininga, hindi k

