KABANATA 4

2000 Words
K A B A N A T A 4: I don't know if he's really dumb or if I'm just good at pretending, because I've already been working inside his house for almost two weeks. I realized that I hadn't seen him too much. Kung makikita ko man siya ay sa malayo at laging sandali lang. Na para bang isang ginto siya na mahirap lapitan, mas lalo kong naramdaman ang aming estado sa buhay habang nagpapanggap akong Orang. Obserba kong tuwing gabi lamang siya kung umuwi, hindi na ako magtataka dahil sa klase ng buhay mayroon kami ay hindi mo matatawag na bahay ang sarili mong tahanan, na mas mananatili ka pa sa trabaho. Speaking of the lives that we have, we are in different organizations. Different goals and rules. We are just blending to other people, hindi nila malalaman na ang kasama nila sa trabaho, nakakasalubong sa daan, nakakasakay sa sasakyan ay isa na sa amin. Siguro isa rin 'yon sa dahilan kung bakit hindi alam ni Grim ang tungkol sa akin noon o sadyang ayoko lang din ipaalam. We met at university when I was nineteen, and he was one of my professors, but of course, for his hidden job, his disguise. It's like a fairy-tale story. We met, we fell in love, we got married, we got a baby, but our story doesn't have happily ever after. Bakit gano'n? Bakit kailangan maging anak pa siya ng mortal na kaaway ng pamilya namin? Bakit sa dinami-rami ng tao sa mundo ay sa kanya pa tumibok ang bata kong puso noon? Mariin akong napapikit habang umaagos ang tubig sa aking mukha. Tuwing ganitong oras ko lang natatanggal ang lahat ng aking suot, lahat ng ginagamit ko upang maitago ang totoo kong pagkatao. Ang hirap matulog kaya halos puyat ako sa loob ng dalawang linggo, hindi naman iyon bago sa akin pero mukhang kailangan kong humanap ng mas magandang paraan, hindi ko alam kung hanggang kailan ako tatagal nang ganito lalo hindi ko pa nakikita ang aking anak sa tagal ng inilagi ko sa bahay na ito. Nang idilat ko ang aking mga mata ay tumama ang aking tingin sa repleksyon ko sa salamin. In the past few years, I realized something. If you don't want to be disappointed, stop expecting. Kung hindi ako umasa no'n na maiintindihan niya ako ay hindi naman ako masasaktan, kasalanan ko rin naman. Masiyado akong nakampante sa salitang pagmamahal. Masiyadong naging sunod-sunuran at alipin sa t***k ng puso, sa tinatawag na pagmamahal. Nang matapos maligo at makapagbihis ay lumabas na ako sa ibinigay sa aming kwarto, wala na silang lahat sa loob. Karaniwan na ganitong oras ay abala na sila sa paggawa ng kani-kanilang gawainsa labas at loob ng mansyon, ako lang naman 'tong laging huli dahil na rin sa pag-aayos ko. Ayos lang, para na rin hindi ako mailang na kumilos, ayon nga lang ay mas lalo ata akong pinag-iinitan dito dahil doon. Nang tuluyan akong makalabas sa maid quarters ay hinarang ako ng ilang katulong. Hindi ako pamilyar sa kanilang pangalan ngunit kung hindi ako nagkakamali ay kasama sila sa mga chismosang katulong ni Grimore. "Aba, gising na pala ang senyora," sabi niya na may kalakihan ang katawan. Tumawa ang kasama niyang maikli ang buhok. "Ano pong maipaglilingkod namin sa'yo mahal na reyna? Nako, ang bago-bago mo pa lang ay tatamad-tamad ka na. Kung makagising akala mong siya ang amo? Ano ka, asawa ni Sir? Nagfe-feeling amo." Oh God, gusto ko silang gawing lampaso sa sahig pero pinigilan ko na ang sarili ko. "Tanghali na akong nakakalabas pero madami pa rin naman akong nagagawa at natataapos, hindi naman katulad ng iba na kunwaring maaga nga pero buhay ng iba ang natatapos pag-usapan," deretsyong sabi ko. Ayokong ibaba ang aking pagkatao sa mga katulad nila pero punong-puno na ako, porket mas matagal na sila ay binu-bully nila ang ibang katulong. Nakita ko si Manang sa kusina, katulad ng mga nagdaang araw ay inuutusan niya ang isang kasambahay tungkol sa mga halaman. Palihim kong inilibot ang tingin sa buong bahay, sa lumipas na araw ay nakabisado ko na ang mga tao rito at ang kanilang galaw pati na rin kung saan nakapwesto ang mga cameras. Ang mga lalaking tauhan ni Grimore ay karaniwan ay nasa labas lang ng mansyon at doon nagbabantay. May ilang naglilibot sa bahay kada isang oras, para kaming mga militar na bantay-sarado mga galaw. Ang mga kasambahay naman ay maglilinis sa umaga, depende sa nakatokang gawain sa kanila, pagkatapos no'n ay pwede ng mamahinga sa maid quarters o sa labas basta bawal lang lumabas ng mansyon dahil may araw lang daw kami na pwedeng lumabas. Gano'n lang araw-araw. "Oh, mabuti naman at tapos ka na, Orang. May ipag-uutos ako sa'yo," sabi ni Manang nang makita ako, nagsusungit na naman siya. Mabilis akong lumapit sa kaniya. Nasaan kaya si Grimore? Kapag nagpatuloy ang ganito sa bahay na 'to at wala naman nangyayare ay baka mapilitan na umalis na lang ako. Hindi ako pwedeng magsayang ng oras gayong wala naman pala rito ang anak ko na tanging pakay ko lang naman dito. "A-Ano po iyon?" kunwaring utal na tanong ko. "Kumuha ka ng lalagyan doon sa kusina, basket. Pumunta ka sa likod ng mansyon. Tahakin mo lang ang batong daan hanggang makarating ka sa taniman sa likod. Madali mo lang makikita. May mga tanim na gulay roon. Mag-harvest ka ng talong, sitaw, okra at kalabasa para sa lulutuing ulam mamaya," instriktong sabi niya. Nanguso ako saka tumango, may choice ba ako? Aalis na sana ako nang makita ko si Grim na nagmamadaling bumaba ng hagdanan. Oh, so he's here huh? Kita ko ang galit sa kaniyang mukha. Hindi siya lumingon sa gawi namin habang malalaki ang hakbang papalabas ng mansyon. "f**k! I told you to look at him!" Narinig ko pang sabi niya bago tuluyan makalabas sa bahay, humahangos na sumunod sa kanya ang ilan sa kanyang mga tauhan. Kumunot ang aking noo dahil doon, tatanungin ko sana si Manang kung anong nangyayari pero nagmamadali na rin siyang umalis upang awatin ang ilang kasambahay na nakiusyoso na palabas. Mga marites nga naman! Huh. Ano bang nangyayare sa mga tao rito? Mukhang wala naman akong mapapala rito. Mabilis akong kumuha ng isang basket na may kalakihan saka lumabas na ng mansyon, sa may likod ako dumaan. Naabutan ko pang naghaharutan ang isang maid at bodyguard ni Grim sa gilid ng bahay nang makita ako ay sandali silang tumigil. "Anong tinitingin-tingin mo?" magaspang na tanong ng lalaki. "Ano ka ba, baka magsumbong 'yan." Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Pilit siyang tinutulak ng babae palayo kaya parang mas nainis ang lalaki sa akin, dahil sinisira ko ang moment nila. Kasalanan ko pa ba iyon? Nasa may daan sila at saka oras ng trabaho. "Hindi 'yan magsusumbong, akong bahala ano ka ba, darling? Kabago-bago niyan dito, subukan niya lang," maangas na sabi ng lalaki. Hindi ko na sila pinansin pa, naiiling na nilagpasan ko na sila. Narinig pa akong tinawag ng mayabang na lalaki bago magpatuloy pa ulit sila sa paghaharutan na parang walang nakakitang kababahalaghan. Nagdere-deretsyo na ako sa paglakad habang nakakapagpigil pa ako sa inis. Pakielam ko naman sa kanila. Talong, kalabasa, sitaw at okra. Hindi ako masiyadong magaling sa kusina, nakakapagluto ako pero limitado lang lalo na noon na kahit may kasambahay kami ay si Grimore pa rin ang nag-aasikaso ng aming pagkain hanggang makasanayan ko. Napailing ako, bakit ba iniisip ko pa 'yon? Ano naman ngayon? Mabilis na kinuha ko ang aking lumang smart phone at tinawagan si Diamond. I remember that he had a background in cooking. He became a chef on a cruise ship before becoming part of our organization. "Yow, Madam? Papasundo ka na?" bungad niya sa akin, bakas ang kalokohan sa kanyang boses. Bahagya pa akong lumakad papasok na sa malawak na farm para walang makarinig, inilibot ko ang paningin sa malawak na farm. Maganda ang taste niya sa bahay, maganda ang lugar. "Describe the okra to me," I said coldly. "Okra?" "Hmm," sabi ko na may kasamang pagtango. "Exam ba 'to, Madam?" natatawang tanong niya. "I'm f*****g serious here, Diamond," inis na wika ko habang nililibot ang tingin sa paligid. May mga maliliit at malalaking halaman. Iba-iba rin ang kulay ng bunga at mga dahon, ang iba ay pamilyar sa akin at ang iba ay hindi. "Hehe, joke lang Madam. Highblood kaagad. Uh, okra? Hmm, may maliit may malaki." "Then?" I rolled my eyes, ba't kasi siya pa ang tinawagan ko? Nakalimutan kong wala nga pala akong makukuhang matinong sagot sa lalaking ito. "Madulas 'to, tapos masarap, tapos medyo hairy rin po." Kumunot ang noo ko. "Okra, the food huh?" paninigurado ko dahil parang iba ang tinutukoy niya base sa kanyang tono. Humalakhak siya, kahit hindi ko nakikita ay tingin ko'y nawawala na kanyang mata sa lakas ng pagtawa. "Oo naman, Madam. Grabe ka naman sa akin, ano ba iniisip mo, si Madam talaga oh. Kulay green siya tapos pa-puso 'yong shape ng dahon tapos—" Pinatay ko na ang tawag saka nagsimulang hanapin ang sinasabi niya. Nakita ko naman ang kamuka ng sinasabi niya ngunit hindi ako sigurado kung okra nga iyon. Nang mapuno ko ang basket ng mga gulay na sinabi ni Manang ay napagpasyahan kong bumalik na. Baka mamaya ilang oras na pala ako rito at hindi ko na naman namamalayan. Babalik na sana ako sa bahay nang makarinig ng mahihinang yabag at paggalaw ng mga halaman sa paligid animong hinahawi. Someone's walking towards me. Kaagad akong naging alerto sa paligid lalo na sa pinanggagalingan ng kaluskos. Naisip ko kaagad na kalaban iyon o baka naman pinasundan na ako ni Manang sa ibang katulong dahil sa sobrang tagal ko, pero dapat sa harapan ko manggagaling kung gano'n. Mabilis kong iginala ang aking mata para humanap ng pwedeng gawin sandata kung sakaling isa sa mga kalaban ko iyon. Sa isip ko ay nai-imagine ko na kung paano ko papatumbahin ang papalapit sa aking likuran ngunit hindi ko ipinahalata na handa na ako sa anumang pag-atake. Nakarinig ako ng pagbato, walang lingon-lingon na sinapo ko ang bolang ibinato sa akin galing sa likod, handa ko na sanang ibato pabalik ang bola sa naghagis sa akin nang magtama ang aming mata. Kaagad nangilid ang aking luha nang magmata ang aming mata, kahit walang salita, kahit wala pang minuto, kahit walang tanong at sa isang kisap-mata ko lang ay alam ko na. This is my son. Arki. Ang anak ko. Nabitawan ko ang aking hawak na basket habang nakatingin sa kaniya. Every night I wish for this moment. Every night I dream about this. Sunod-sunod na tumulo ang aking luha habang nakatingin sa seryoso at nagtataka niyang inosenteng mata na nakatingin din sa akin. Tears streamed down my face while looking at his handsome face. His black eyes and pointed nose, his red natural lips. Pakiramdam ko ay nanuyo ang aking labi, pinaghalong sakit at pananabik ng isang ina para sa kaniyang nawalay na anak. Anak . . . Hindi ko alam kung lalapit ako, yayakapin ko ba siya o magpapakilala na ba ako. Matatakot ba siya? Makilala ba niya ako? Galit ba siya sa akin? Kumusta na siya? Kilala niya ba ako? Gusto kong tumakbo at mahigpit siyang yakapin, gusto kong sabihin na miss na miss na siya ni Mommy, na hinanap ko sila, na hindi ako tumigil hanapin siya, na walang araw na hindi ko siya inisip at pinagdadasal ang kalagayan niya. Umawang ang aking labi at parang tumigil ang paligid nang mag-sign siya gamit ang kaniyang dalawang kamay. I can read that sign. I've attended classes before for mute people. 'Sorry, I didn't mean to hurt you. Miss. Please, stop crying.' No. No. It can't be. Napatakip ako sa aking bibig at mas lalo napaiyak nang maisip ang bagay na iyon. Parang pinupunit ang puso ko habang pinoproseso ang ang aking nalaman, sobrang lakas ng kabog no'n at halos maramdaman ko na sa lalamunan ko. What happened to you, my baby? _______________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD