Kabanata 5:
MINSAN naiisip kong paano kaya kung walang pakiramdam ang tao? Wala ng kaba, walang lungkot, walang sakit, walang saya, walang kahit ano. Naisip ko na kung hindi ako natatakot na magpakilala sa anak ko, ano kayang mangyayari?
Gano'n pala, kahit gaano ka pala katapang sa harap ng iba ay manghihina ka pa rin pagdating sa anak mo, sa mga taong importante sa'yo.
Ang tapang-tapang ko sa iba pero pagdating sa pamilya, duwag na duwag ako. Inaamin kong takot ako kahit gaano pa ako katakutan ng iba sa organisasyon pero wala akong karapatan na ipakita iyon.
Kinalma ko ang aking sarili saka maingat na pinunasan ang luha upang hindi maalis ang aking make up, na siyang nagtatago ng totoo kong pagkatao.
If I want to know the truth, I should wait for the right time. Hindi ako pwedeng magpadala sa aking emosyon dahil matagal kong hinintay at planuhan ang araw na ito kaya hindi ko hahayaan na gano'n na lang 'yon masisira.
Sabihin na natin na nasabi ko sa kaniya, sa aking anak . . . maiintindihan ba niya kaagad? Sa kanyang murang edad, maiintindihan ba niya kung anong klase ng tao ang kanyang ina at kung anong klase ng buhay ang mayroon kami.
Makakalabas ba ako sa bahay na ito na kasama siya? I don't think so. I don't think Grimore will let me escape alive and with our son, Arki.
Mabilis kong pinulot ang mga nagkalat na gulay, kinuha ko ang pagkakataon na iyon upang pakalmahin ang aking sarili. Come on, Deborah.
You have plans. Think about everything you planned.
Pigil ang aking hininga nang tinulungan niya akong kuhanin ang ibang gulay na nagkalat sa lupa at ilagay ang mga iyon sa dala kong basket.
Hindi ko mapigilan hindi titigan at pag-aralan ang bawat galaw niya, punong-puno ako ng paghanga roon. I can't believe this is my son. I can't believe that he's actually in front of me.
Pakiramdam ko ba'y nananaginip ako katulad noong mga nagdaan taon na nawalay siya.
"Can you hear me?" malumanay na sabi ko kasabay ng pagsenyas ng kamay sa kaniya.
Gusto kong palakpakan ang aking sarili dahil hindi ako nautal o hindi man lang nanginig ang aking boses.
Marahan siyang tumango saka dinampot ang kaniyang bola na tumama sa akin kanina, kaagad kumunot ang noo ko nang makitang basang-basa ang kaniyang likuran dahil sa pawis. Halos bumakat na iyon sa suot niyang sandong kulay puti na nagkukulay lupa na.
So he can hear me. What happened to his voice? He was almost two years old when I last saw him. He could mumble and make sounds, but he couldn't make full words. I thought he was just delayed.
Marami akong tanong sa aking isipan ngunit alam kong hindi ito ang tamang oras para roon. Gusto kong sisihin ang aking sarili. Sa isip ko ay kinukwestyon ko na ang sarili ko kung may nagawa ba akong mali habang nagbubuntis ako kaya siya nagkaganyan? May nangyari ba habang wala siya sa tabi ko? Anong ginawa mo sa anak ko, Grimore?
"Ang dumi ng damit mo, puno rin ng pawis ang iyong likuran. Saan ka ba galing? Bakit ka nandito? Sino nagbabantay sa'yo?" sunod-sunod na tanong ko sa kaniya, kumunot ang kaniyang noo. "A-Ahm, can you understand Tagalog? Filipino language?" I asked him again with a hand gesture, but this time I tried to reach his arm.
Tumango lang siya saka nag-iwas tingin at mabilis na nilagpasan ako. Laglag ang aking panga dahil sa ginawa ng aking anak, nasaktan ako pero kaagad kong iwinaksi ang damdamin iyon.
Hindi niya ako kilala, dapat handa na ako sa ganito. Sigurado naman akong ni hindi siguro babanggitin ni Grimore ang pangalan ko sa harap ng kanyang anak. Hindi na ako magtataka kung sinisiraan pa niya ako sa anak namin.
Mabilis ko siyang sinundan, napanguso ako nang makitang puro putik ang kaniyang paa hanggang binti pati na rin ang kanyang kamay hanggang siko.
Saan ka ba nagpunta, anak?
Kinagat ko ang aking ibabang labi habang pinapanuod siyang maglakad sa aking harapan. Tumigil lang ako sa pagsunod nang huminto siya sa paglakad at kunot-noong nilingon ako.
His facial expression looks very similar to his father's.
'Why are you watching me?' he asked, using a hand sign.
Nagulat ako sa kaniyang tanong, naramdaman niya iyon? Lihim akong napangiti, well he's our son. I won't question that. Baka na natural na namana niya sa amin ang bagay na 'yon.
"A-Ahm, alam ba ng Daddy mo na nandito ka likod ng bahay? Sinong kasambahay ang kasama mo? May bantay ka ba?" malumanay at sunod-sunod kong tanong.
'Daddy didn't care.'
Kumunot ang aking noo roon, kahit hindi niya sabihin ay bakas sa mukha niya ang hinanakit. Kitang-kita ko iyon sa emosyon sa kanyang mata, basang-basa ko iyon.
"Anong ibig mong sabihin?" sabi ko na may kasamang kamay.
'He's always busy with his work. He didn't care about me, so it was okay.'
Sandali ko pang prinoseso sa aking isip ang sinabi niya.
Grim is busy with his work? He didn't care to our son?
Hindi ko maiwasan masaktan na sa murang edad ng aking anak ay ganito na siya mag-isip, na iniisip niyang walang pakialam si Grim sa kanya, alam ko hindi naging maganda ang pagsasama namin dalawa pero alam ko rin na mabuti siyang ama at kung gaano niya kamahal ang aming anak.
Dahil kung hindi ay hindi niya ito ilalayo sa akin.
"Bakit mo naman nasabi 'yan, Arki?"
Nakita kong kumunot ang kanyang noo.
'How did you know my name?'
Unti-unti kong napagtanto ang aking sanabi.
Fuck! Great, Deb!
Bago pa ako makagawa ng dahilan at makapagsinungaling ay nakarinig na ako ng mga ingay sa likod bahay.
They are here!
Tumikhim ako saka bahagyang yumuko upang magpantay ang aming tingin.
"Hinahanap ka na roon sa bahay, tara? Ihahatid kita pabalik." Tumikhim ako dahil pakiramdam ko ay nagamit ko ang totoo kong boses sa kanya, nakalimutan kong lagyan ng tono katulad ni Orang.
Napanguso ang aking anak, imbes tanggapin ang kamay ko ay nagpatiuna ulit siyang maglakad.
Ang attitude, pero tama 'yan anak. Don't trust easily, okay?
Habang naglalakad kami at bitbit ko ang basket ay hindi ko maialis ang aking tingin sa kanya, natatakot akong bigla siyang mawala. Kung hindi pa ako nakarinig ng ingay ay hindi ko pa mamamalayan na nasa likod bahay na kami.
Kita ko ang maputlang mukha ng kasambahay at ng isang lalaki kanina na naghaharutan sa gilid.
Dumagundong ang malakas na sigaw ni Grimore. His angry voice boomed around the garden. Even though I can't fully see his face, I can see how dangerous his eyes were.
Naabutan namin sila sa Gazebo, doon ko napansin ang ibang laruan na nandoon.
Dito ka ba naglalaro kanina, anak? Paano ka napunta sa likod ng wala man lang nakakakita.
"S-Sir, sorry po hindi ko po alam. Hindi ko po talaga napansin si A-Arki! Nandito lang naman po si Arki k-kanina. N-Nakikita ko naman po siya naglalaruan lang dito kaya hinayaan ko muna p-po," nakayukong paliwanag ng babae, halos hindi na mapakali.
Umigting ang aking panga, gusto ko rin magalit. Paano kung may nangyaring hindi maganda sa aking anak at ikaw ay abala sa kasintahan mo? Gusto ko iyon isingit ngunit pinigilan ko.
"Kung nabantayan mo nasaan?! You're f*****g fired!"
"S-Sorry po talaga, Sir. Huwag niyo naman po akong tatanggalin, aayusin ko na po ang trabaho ko. H-Hindi po talaga napansin, parang awa niyo na po!"
Nakita kong napahilamos sa kanyang mukha si Grimore.
"Anong sinabi ko sa inyo?! Isa lang ang bilin ko hindi ba? Huwag niyong aalisin sa paningin niyo ang anak ko lalo na nakabalik na tayo rito kahit isang minuto! Mierda! I'm paying you fairly and adequately, but you can't even do your one f*****g job! Where's Bogart?!"
"B-Boss," sabi ng isang lalaking malaki ang katawan na nakayuko sa gilid, hindi ako pamilyar sa kanya.
Wala siya sa mga dating tauhan ni Grim na nakikita ko.
Kaagad nanlaki ang aking mata nang mahulaan kong bubunot ng baril si Grim, bago pa niya iyon magawa sa harapan ng aking anak ay tumikhim na ako upang kuhanin ang kanilang atensyon.
Sabay-sabay silang napatingin sa aming gawi.
Nagtama ang mata namin ni Grimore bago iyon bumaba sa kanyang anak. Gumalaw ang kanyang panga, hindi ko alam kung dahil sa galit ko nakahinga na siya nang maluwag.
Malalaki ang kanyang hakbang na lumapit at lumuhod sa harapan ni Arki.
"Where have you been, huh? Didn't I tell you not to leave? Don't run away from your guard?!" madiin tanong ni Grimore, gumalaw pa ang kanyang panga at bahagya pang tumaas ang boses.
Nagulat ako sa tonong ginamit niya sa aming anak at syempre, hindi naman nakapagsalita ang bata upang magpaliwanag. Halos gusto kong bugahan ng apoy si Grimore nang makitang mahigpit ang hawak niya sa braso ng anak ko.
Alam kong bilang Orang ay wala akong karapatan na makisali sa kanilang usapan, ngunit hindi ko mapigilan. Kaagad akong lumapit, hinawakan ko ang balikat ni Arki upang bahagya siyang mabitawan ni Grimore.
Doon nagtama ang aming mata, mas nagdilim iyon.
I could see rage through his eyes. He's worried but angry at the same time, masiyado ata siyang kinakain ng pag-aalala.
Gumalaw ang kanyang panga ng tipid akong ngumiti.
"Sir, alam ko hong wala ako sa posisyon para makielam pero nasasaktan ho 'yong bata. Natatakot po sa sigaw niyo," malumanay na sabi ko habang may ngiti sa labi.
Parang doon niya lang naisip ang sinasabi ko, bumaba ang kanyang tingin kay Arki. Kita kong kagat-kagat ng aking anak ang ibabang labi habang may takot at galit para sa ama.
Alam na alam ko ang emosyon na iyon dahil ako mismo ay naramdaman ang bagay na 'yon. Sumikip ang dibdib ko, hindi ko alam kung anong nangyari sa kanila habang wala ako, parang ayoko na rin malaman kung ano pa 'yon.
Nagkatitigan sila mag-ama, bahagyang umatras si Arki kaya kitang-kita ko ang sakit na dumaan sa mata ni Grim dahil sa ginawa ng bata. Parang nasaktan din ako pero kaagad kong kinastigo ang aking isip tungkol sa bagay na 'yon.
"S-Sir, pagpahingahin at linisan na lang po siguro muna ng katawan ang bata." Mukhang doon niya lang napansin ang damit nito.
Taas-noong tumayo nang tuwid si Grim, mas kalmado na ngyon kaysa kanina. Sinenyasan niya ang sampong bodyguard na malapit sa lagoon. Sabay-sabay na lumapit ang mga lalaki pati na rin ang limang kasambahay kasama na si Manang, na siyang mayordoma.
"Samahan si Arki sa kanyang kwarto. Manang, susunod ako," maawtoridad na utos niya. Magpe-prisenta sana ako na tutulong ngunit nagtama ang aming mata. "You, follow me."
Naguguluhan ako nang maglakad siya papunta sa pinaka dulong gazebo, nakita kong pagbubulungan ng ibang katulong kasama na ang masamang tingin sa akin ng dalagita. Hindi ko na sila pinansin pa.
Sumunod naman ang tingin ko kay Arki na sumunod sa utos ng kanyang ama, hindi ko inalis ang aking titig sa kanya hanggang tuluyan silang makapasok sa loob ng mansyon.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" nagulat ako sa pagtaas ng boses ni Grimore.
Nakuha na niya ang aking buong atensyon.
"P-Po?"
"You said that in front of my son! You acted like you knew everything. Sino ka ba sa akala mo ha? Katulong ka lang dito, gusto mo bang mawalan ng trabaho?" madiin sabi niya, mas nanliit ako sa uri ng tingin niya na iginawad sa akin.
Alam kong malayo na kami sa mga bantay niya ngunit alam kong naririnig pa rin nila ang lakas ng kanyang boses. Pakiramdam ko tuloy ay binubunton niya sa akin ang lahat ng kanyang galit at frustration niya kanina.
Gusto-gusto ko rin siyang sigawan.
Sino siya para sabihin ang bagay na iyan sa akin?
"I don't need your opinion. You're just a new maid here. Next time know your place."
Napamaang ako sa kanyang sinabi ngunit sa huli ay pinili ko na lang na tipid na ngumiti.
"Sir, alam ko pong katulong lang ako rito at sinuswelduhan niyo pero tama naman po ako hindi ba? Ano po bang masama sa nagawa at nasabi ko, kung gayon ako nga itong nakakita sa anak ninyo."
Nakita kong mas nagalit siya sa sinabi ko, nameywang siya sa aking harapan at hindi makapaniwalang tinitigan ako.
Hindi ako nagpatinag, sa galit na nararamdaman ko ngayon sa kanya ay balewala ang pagpapanggap ko.
Mahigpit niyang hinawakan ang aking braso at hinila papalapit sa kanya, sa gilid ng aking mata ay kita ko ang pag-iwas tingin ang mga nandoon.
Naamoy ko ang pamilyar niyang pabango.
"You really think you can talk to me like that huh?" he whispered, mocking me.
"Sir, bitawan niyo po ako."
Hindi ko alam kung bakit mas nagdilim ang titig niya, bumaba ang kanyang tingin sa aking labi bago bumalik sa aking mata.
"You're fired," he mumbled, his jaw moved.
Bago pa niya ako mas sigawan ay nagulat kami nang may nagkagulo sa gilid, sabay kaming napalingon. Doon ko nakita si Arki, bumalik siya habang yakap-yakap ang bola.
Napalayo si Grimore sa akin.
"Is there a problem, Son?" Naging malumanay ang boses niya, lumapit sa anak.
Napanguso si Arki na naglipat-lipat ng tingin sa amin bago sumenyas.
'I want her to be my new nanny. I like her.'
____________________