K A B A N A T A 72: Change of plans. Iyon kaagad ang naisip ko pagkatapos kong marinig ang sinabi ni Grimore. Hindi naman ako gano'n katanga para hindi ma-gets ang sinabi niya lalo at narinig ko na rin ang bagay na iyon noon sa kubo. Ngunit hindi kagaya noon na kinabahan ako, na malakas na kumabog ang puso ko. Wala akong maramdaman ngayon, pakiramdam ko ba ay sa ibang tao niya iyon sinabi at hindi sa akin, na hindi ako ang tinutukoy niya. Nakatitig lang ako kay Grim, kinagat niya ang kanyang ibabang labi. I can't feel anything anymore after he hurt my son. That's what I thought when I said my decision was final. Pero nang sabihin niya iyon at tingnan ako ng aking anak, na naniningkit ang mata at animong pinag-aaralan ang emosyon ko. Nagbago ang aking planong pag-alis at pagtakas sa

