K A B A N A T A 73: TAHIMIK ang buong mansyon nang sumapit ang gabi ngunit pabaling-baling pa rin ako sa aking kama. Sa sobrang tahimik ay tangi ko na lang naririnig ay ang tunog ng wallclock sa aking kwarto. Madilim na ang aking kwarto habang naghihintay ako mag-alas dos ng madaling araw para gawin ang aking plano. Ang plano kong umalis at itakas si Arki kanina ay biglang nagbago pagkatapos namin pumunta sa falls. Hindi ko maiwasan maalala ang nangyari roon, Grimore confessed his feeling to Orang . . . his son's nanny. Wala akong maramdaman sa bagay na iyon, bilang Deborah ay pakiramdam ko ba ay nangangaliwa siya kahit iisang tao lang din kami. Hindi na ako nakapagsalita kanina pagkatapos kong sabihin kung sino ang aking kasintahan. Masama naman ang mukha ni Grimore hanggang makauwi

