K A B A N A T A 74: "Hey, my husband . . . you missed me?" Naramdaman ko ang pagpigil niya sa kanyang hininga, bahagya rin nanginig ang kamay niyang nasa aking pisngi. Kaagad kong hinawakan ang kanyang siko ng akmang mapapaupo pa siya sa aking harapana. Nanghihina siyang mapaluhod sa harapan ko kaya naman napasinghap ako sa gulat. Hindi iyon ang inaasahan kong magiging reaksyon niya. Kaagad niyang niyakap ang aking beywang habang nakaluhod, para akong nabingi sa sobrang pagkabigla sa mga nangyari. Tanging paglunok ko at kabog ng dibdib ko na lang ang aking naririnig. Mas humigpit ang yakap niya sa aking beywang nang akma ko iyon tatanggalin dahil parang hindi na ako makahinga, gusto ko na lang umalis. Gusto kong tumakas, ngayon hindi siya lasing o hindi siya nilalagnat, wala na akong

