Kabanata 18 - All of him

2620 Words
She drank what Quentin has given her. She felt somewhat relieved. She also took a nap. Nagising siya matapos ang dalawang oras para sa susunod niyang klase. She was startled when she saw Quentin sitting beside her. Seryoso itong nagbabasa ng libro habang may sinusulat sa isang pad ng yellow paper. “Ano ang ginagawa mo rito?” she asked and checked her face on her compact mirror. Tamad siyang binalingan ng binata. Ni hindi man lang tumigil sa kaniyang pagsusulat. “Studying,” simpleng sagot nito at nilipat ang pahina. She looked at the pile of books he’s reading. Maganda rin at malinis ang penmanship nito. “Para saan?” she said. “DBA classes,” he said. Tumaas ang kilay ni Clementine. “You’re taking DBA? Do you even have MBA? Where?” she curiously asked. Hindi siya makapaniwala sa naririnig niya mula kay Quentin when all this time, magsasaka at sipsip kay Don Wilfredo lang ang alam niya. Tumango si Quentin at nagpatuloy sa pagsusulat. ‘So, he’s studying to be Doctor of Business Administration?’ “Manila.” simpleng sagot niya. “Where in Manila?” she asked, expecting that he’s in not a well-known school in Manila. Huminga nang malalim si Quentin at nilingon siya, “La Salle,” sagot niya at nag-focus ulit sa binabasa niya. Lumaki ang mga mata ni Clementine. He said it like it was nothing to him. 'La Salle? Wow!' “Did my Dad sponsor your school?” she asked again. Padabog na sinara ni Quentin ang makapal na librong binabasa niya at nilingon si Clementine. “Full scholarship under the school ito, Senyorita. Walang kahit na ano'ng binayaran si Don Wilfredo para sa pag-aaral ko.” sagot niya. Ngumuso si Clementine. ‘So tama sina Aling Juana noon? Talagang matalino si Quentin Blanco!’ "Okay. Chill ka lang,” she said and rolled her eyes. She looked at her watch. She will be late for her next class if she won’t leave now. “I gotta go, Professor! May klase pa ako.” she said and walked out of the library. Pagkadating niya sa classroom, naroon na ang professor niya para sa klaseng iyon. It was a minor class she needed to take to graduate. Filipino class iyon at walang ganoong subject sa NYU. Her classmates were a year younger than her. "Sorry, Ma'am. I am late." she said. "You're Ms. Diogracia?" tanong nito. "Yes, Ma'am." she answered "Welcome to the school. You may be seated," sabi ng professor. She looked at her classmate. Tahimik at confident siyang pumasok doon. She sat at the middle dahil occupied ng isang grupo ang pinakalikod kung saan siya madalas umuupo sa lahat ng klase niya. Tumikhim siya at tiningnan ang ilang mga kaklase na walang hiya kung tumitig sa kaniya. The professor continued discussing. “Sabi nina Rea, binigyan siya ni Sir Quentin ng pagkain at inumin.” sabi noong isa. “Hindi naman maganda. Maputi lang,” bulong noong isa. Clementine raised her brow when she heard that. Sa lahat ng babaeng nandito, she’s sure that she is the prettiest. ‘Maputi lang? Kahit balutan ako ng putik sa buong katawan ko, mas maganda pa rin ako sa inyong mga poorita kayo.’ she wanted to tell the girl. Dahil ayaw niyang magsalita, tinitigan na lang niya nang diretso iyong dalawang babae. Mabilis namang tumingin ang mga ito sa professor at parang wala silang sinabi man lang. She looked at the professor, too. Matandang babae ang propesor nila sa Filipino class na ito. “Your seatmates will be your partner throughout this semester,” sabi niya at ngumiti. “Get one-fourth paper and write your names and pass it to me. You’ll be stuck to each other throughout the semester as partners.” paliwanag pa nito. Clementine looked at the girl who’s sitting beside her. Naka-braids ito at salamin. Umubo ang babae nang mapansin na tinititigan siya nito. Mukhang hindi siya sanay na may tumitingin sa kaniya. “Do you have that paper?” tanong niya rito. Mabilis na tumango ang babae at binuksan ang mumuruahin niyang bag para kumuha doon. Clementine got it and wrote her name. Matapos iyon, nilingon niya ang babae. “Ano ang pangalan mo?” she asked seriously. Kinakabahan namang nag-iwas ang babae ng tingin. “F-Frances,” she answered. “B-Beredo.” Tumaas ang kilay ni Clementine at sinulat iyon. Hinayaan niyang magpasa ang lahat. Then she stood up and passed it to the professor. Umupo siya at hinayaan ang professor na mag-discuss pa sa unahan. “S-Salamat,” sabi ng babae sa mahinang boses. Nilingon ito ni Clementine. “May stutter ka ba?” she asked. Kanina pa niya napapansin na nauutal itong babaeng kausap niya. Umiling ito at halos mamutla. “Then, talk properly. It’s not like I am gonna eat you.” she said. Tumango ito at nag-iwas ng tingin. “Sige,” mahina niyang sinabi. "They are partners? Kawawang Frances." bulong noong isa. "Baka marinig kayo niyan. Magaya pa tayo kay Korics na na-suspend." saway noong isa. 'So nasuspend siya? Mabuti naman.' she thought and looked at Frances. May ilang napalingon sa kanila. Tinaasan ni Clementine ang mga ito ng kilay. ‘Why is everyone so nosy?’ “You will be reporting next week about the topics I will distribute,” sabi ng professor. “Diogracia,Beredo… Chapter 1 on our syllabus.” Natapos ang distribution ng mga topic. “See you next week, class.” sabi ni professor at umalis na. Tumingin siya kay Frances na binabasa kung ano ang nasa Chapter 1. “Uhm, ‘yung about—“ Naputol ang sasabihin ni Frances nang magsalita si Clementine. “May laptop ka?” diretsang tanong ni Clementine rito. Umiling si Frances na parang nahihiya na wala siya noon. Lumunok si Clementine at agarang tumango. “Magkita tayo sa weekend. Alam mo naman kung saan ang hacienda namin?” tanong niya ulit. “Oo.” mabilisan niyang sagot. “Alas diyes ng hapon ka pumunta. Okay?” sabi niya at umalis na doon. She doesn’t have any class left today so she decided to go home. She really need to sleep. She hurriedly went to the library to look for Quentin. She will ask for his truck’s keys. She can drive home and they can take the tricycle. It’s better than to be seen riding on some cheap and old tricycle. Ganoon pa rin ang ayos ni Quentin. Did he stayed here the whole time? O bumalik lang siya. It’s been two hours since she left the class. “You’re still here?” tanong niya. He did not bother looking at her. Patuloy ang pagbuklat ng mga libro. “Are you done for today?” tanong niya. Tumango siya. “Yes. About that—“ “Let’s go home, then.” sabi ni Quentin nang pinutol ang anumang sasabihin niya. “Ibabalik ko lang ito sa mga tamang lagayan nila.” Kumunot ang noo ni Clementine. Pinanood niyang naglipit ang binata ng mga libro. “Aren’t you studying? I can go home myself naman. Just lend me your car keys.” “And you will leave me here?” tanong ni Quentin na nakataas ang kilay. Ngumuso si Clementine at nagkibit balikat. “Oo. I don’t know if you’ll wait for your sister—“ “Nagpaalam si Angela. Iisa ang klase niya sa araw na ito. May gagawin sila sa student council para sa preparasyon ng acquaintance party.” aniya. “So, you’re just waiting for me?” tanong niya sa binata at pati na rin sa sarili. Nanatiling nakatitig si Quentin sa kaniya. Umiling ito at nag-umpisang ilagay ang libro sa katapat na shelf. “Ano ang masama doon? May kailangan ako para sa graduate school ko at tapos na ang klase mo.” sagot nito. Nag-init ang pisngi ni Clementine nang bahagya. She did not know what to say. Hinihintay siya ni Quentin Blanco. Pero agad ding sumimangot nang maisip na utos iyon ng kaniyang ama. She grimaced. “Tara na!” aniya at nauna nang lumabas ng library. Bitbit niya ang hoodie ni Vance na ipinahiram sa kaniya. Nasaan na ba ang lalaking iyon? Wala siyang cellphone o ‘di kaya numero nito. Iuuwi na lang niya ang hoodie nito para malabahan at maibalik din kay Vance. Pagkarating nila sa parking lot, napansin ni Quentin ang isang puting papel na may pusong sticker para magsilbing lock. Nakaipit iyon sa luma niyang wiper sa tapat ng upuan ni Clementine. Seryoso itong binasa ni Quentin. Kuryusong tiningnan iyon ni Clementine. Hindi niya nabasa ang kabuuan pero mukhang sulat iyon. “Love letter?” tanong niya pero mabilis na iniwas iyon ni Quentin at nilagay sa notebook na dala niya. Seryoso siyang binalingan ng binata at nagtaas ng kilay sa kaniya. “Ang nosy mo,” ani Quentin at nilagay ang notebook sa bag niyang nasa likuran. “You know the girl who wrote that letter?” she asked. Quentin’s good-looking. Dami nito paniguradong admirer sa school na ito. “Hindi,” sagot niya at binuksan ang pintuan. Umirap si Clementine. “Bakit hindi mo itapon?” tanong niya. Umiling si Quentin. “Nag-effort ang kung sinang nagsulat nito. Bakit ko naman itatapon?” tanong ni Quentin at walang imik na sumakay sa driver seat. Sumakay si Clementine sa passenger seat. Dahan-dahang umalis sila doon. Nasa highway na sila nang magsalita muli si Quentin. “Are you feeling better?” tanong ng binata sa kaniya. “Huh?” naguguluhang tanong niya. “You drank so much last night.” sabi ni Quentin. “Muntikan na kitang mapagkamalan na multo dahil nakatulog ka na nakasubsob sa handrail ng balkonahe mo.” Nag-init ang pisngi ni Clementine. She cannot remember it pero nakakahiya iyon. Then, she realized something. “Did you put me on the bed?” tanong niya. Tumango si Quentin at sumulyap sa kaniya. Pumikit siya nang mariin. Kaya pala ganoon na lamang siya at nagising sa kama niya. “I locked my door. How did you get in?” tanong niya, medyo naaalarma. ‘May susi ba siya ng buong bahay?’ tanong niya sa isip at medyo nag-panic pa. “Umakyat ako sa balkonahe mo.” simpleng sagot niya. “Mapapagalitan ka ni Manang kung hihingi ako ng susi ng kuwarto mo.” Tumango si Clementine. Now, it made sense. Mapapagalitan siya ni Manang at malalaman na uminom siya. Baka makarating pa kay Don Wilfredo. “Why did you save me, again?” tanong niya at ngumuso. “Hindi ba tuta ka ni Daddy? Eh ‘di sana sinumbong mo ako para nang sa ganoon mapagalitan ako?” Umigting ang mga panga ni Quentin sa sinabi niya. “Is it so hard for you to say thank you?” sarcastic na tanong niya kay Clementine. Clementine fell silent. But instead of saying thank you, she hated that he’s right again. “No. Why would I thank you?” sarcastic na tanong niya. “You are getting paid by my family. Is it right to do that for—“ “For the times I think you can be changed, you are really disappointing. Hindi ako makapaniwala sa mga lumalabas sa bibig mo.” galit na sinabi niya kay Clementine. Clementine was so furious about what he said. No one had the guts to told her that she’s disappointing. Si Quentin pa lang. They finally arrived at the gate. Tatlong mabilis na busina ang ginawa ni Quentin at tuluyan nang bumukas ang trangkahan pero hindi niya inaasahan na humarurot agad si Quentin noon. He stopped at the porch and let her open her door. Walang imik na lumabas doon si Clementine. Quentin did not even glance at her and climbed back to the car. Umalis agad siya. Nakatanaw lang si Clementine at agad ding umakyat papasok sa mansiyon. Sinalubong siya ni Manang. “Hija, nasaan si Quentin?” tanong ni Manang at tumingin pa sa bintana. Nagkibit balikat siya. “I don’t know,” walang gana niyang sinabi at mabilis din tinalikuran ang matanda. Walang salita na naligo at nagbihis si Clementine. It’s only three in the afternoon. Tumanaw siya sa kaniyang balkonahe. She saw the empty bottles of alcohol. Hindi siya makapag-isip at umiling. She knew that what she said to Quentin was really offending. Her mother always say to the young Clementine that money is not everything. She just said that because she’s insecure. Everything is new to her. Hindi siya sanay na may nangingialam sa kaniya. She’s really dependent from the start and she doesn’t want to bother people. Tumulala lang siya sa balkonahe hanggang sa matanaw niya si Quentin na nangangabayo sa hindi kalayuan. May kausap itong isa pang lalaki. Sumulyap ito sa kinaroroonan niya pero agad ding nag-iwas ng tingin. Her throat dried at the thought that she’s really guilty. Hanggang sa kumain sila sa hapag. Angela’s still in school. Don Wilfredo did not join them because he’s not feeling well and requested his food to be brought upstairs. Awkward at tahimik silang dalawa ni Quentin na kumakain. Clementine felt the coldness. Hindi sila dating ganito ng binata. They’re not close but they are not like this. Mas gusto pa ni Clementine na nag-aaway sila sa hapag kaysa ganito na hindi talaga sila nag-uusap. “Kumain ka pa, hija!” sabi ni Manang nang mapansin na hindi nangangalahati ang pagkain. “Busog pa po ako,” simpleng sabi niya at uminom na lang ng mango juice na naroon. Quentin did not even bother to look at her. He finished his meal. Nagpaalam ito kay Manang na susunduin pa si Angela sa SLCC. “Mag-iingat ka, Quentin.” sabi ni Manang at pinanood itong lumabas aa backdoor. Nawalan na nang gana tuluyan si Clementine at umakyat na rin sa taas. She watched a little bit television pero agad ding na-bored. She laid on the bed, just looking at the crystal chandelier on the ceiling. Napabangon siya nang marinig ang makina ng sasakyan na dumating. Hinawi niya ang kurtina at nakita doon na bumaba si Angela at Quentin. “Ugh!” aniya at umupo sa kaniyang kama. Sa kaniyang isipan, ay nag-de-debate ata ang mga demonyo at mga anghel. Ang isang parte ng kaniyang isipan, nais na humingi ng tawad sa mga nasabi niya at ang isa naman, gustong magmatigas dahil magmumukha siyang mahina. Pero pagkatapos ng sampung minuto, tumayo siya at wala nang pagdadalawang isip na tumigil sa tapat ng pintuan kung saan tumutuloy si Quentin. She knocked twice pero walang nagbubukas noon. She opened the door and looked inside pero walang tao roon. “Hello?” aniya at tuluyan nang inimbita ang sarili sa loob ng silid. Pinagmasdan niya iyon. Malinis at nakaorganisa ang buong kwarto. Puti ang bedsheet at nga unan. May study table at bukas ang lamp noon. Nakaayos ang mga libro nito. Lumapit si Clementine sa table at hinawakan ang isang ID na nakapatong doon. It is Quentin’s ID at La Salle. 'So it's true then?' aniya. He looked expensive. Seryoso ang mukha niya pero halata ang kaguwapuhan niya. She read his name. “Quentin Raphael Blanco.” she whispered. The door from her right suddenly opened that she was caught off guard. Lumabas doon si Quentin na walang saplot at nagpupunas ng buhok gamit ang towel. Nabitawan ni Clementine ang ID na hawak at mabilis na tinakipan ang kaniyang mga mata. “Oh my God!” aniya. “Ano ang ginagawa mo rito?” tanong niya sa gulat at nagmamadaling boses. Gulat itong napatingin kay Clementine na nasa loob ng silid niya. Mabilis nitong binalot ang sarili pababa pero huli na iyon. Nakita na ni Clementine lahat. She saw all of him including that!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD