Clementine turned her back from Quentin. She wasn’t ready to see that. Lumunok siya ng laway at nagsalita muli.
“T-Tapos ka na ba?” tanong niya.
Quentin opened his closet and got any clothes that can cover his nakedness. Tumikhim ito.
“Tapos na. You should’ve knock.” sabi niya at nilagay na muli sa ulo ang tuwalya para magpatuyo ng buhok.
“I did! No one answered," sagot aniya.
Dahan-dahan na lumingon si Clementine kay Quentin. Nakaigting ang panga nito sa kaniya.
“Then, you should have left when no one answered!” seryosong sabi nito.
“You should have locked your door. I checked on you because I don’t know if you passed out or something.” paliwanag ni Clementine.
Hindi na nakipagpalitan pa ng sagot si Quentin. She let her stood there. Tiningnan din ni Quentin ang nahulog niyang ID sa sahig.
Clementine saw it too. She picked it up and put it in the table. Her cheeks heated. Nahuli pa tuloy siya ni Quentin na nakatitig doon.
“What do you need?” tanong nito, seryoso na ang boses.
Ngumuso si Clementine. Kung kanina ay wala siyang kakaba kaba, ngayon naman ay hindi magkumahog ang kaniyang dibdib sa paghataw.
Nag-iwas siya ng tingin sa binata na nakaupo sa kaniyang kama at naghihintay ng kaniyang sasabihin.
“Uhm…” she trailed off. “Kasi…”
Tumaas ang kilay ni Quentin. May naiisip na siya kung bakit nandidito ang dalaga but he wanted her to say it.
“I-I came here because…” sabi niya at nilagay ang mga braso sa kaniyang batok, “Nothing. I am going—“
Mabilis na pumunta sa pintuan si Clementine. Sa huli, natakot siyang sabihin iyon. She will just try again tomorrow.
“Ganoon ba kahirap para sa’yo humingi ng tawad, Senyorita?” tanong ko Quentin, ngayon ay seryoso pa rin.
Pumikit si Clementine at binitiwan ang seradura ng pinto at nilingon si Quentin.
“I am sorry, okay!” sabi niya na medyo mataas pa ang boses.
“Tch. Not even sincere,” sabi ni Quentin at nagkibit- balikat siya.
Kinurot ni Clementine ang sarili para pigilan ang magsalita na naman. She calmed herself and looked him into his eyes.
“I am so sorry, Quentin. For everything I said. I am really sorry if I offended you in anyway.” she said almost a whisper.
Quentin’s right. Napakahirap para sa kaya ni Clementine ang humingi ng tawad. Kinagat niya ang pang-ibabang labi niya at nag-iwas ng tingin.
“I’m gonna go na,” she said when the silence turned awkwardness, “Good night, Quentin.”
She was about to go out when Quentin grabbed her by her arm.
“Not fast enough, Miss Diogracia.” seryosong sabi nito.
Clementine looked at his rough palm having physical contact with her soft arm. May kung ano sa loob niya ang bumubulabog sa kaniya.
“B-Bakit?” iyon lamang ang lumabas sa bibig niya.
Kumunot ang noo ni Quentin at unti-unti ring umiling. Binitiwan nito ang kaniyang braso.
“Just nevermind,” iyon lang ang sinabi niya at tumango pa, “Good night.” bati niya at binuksan na mismo ang pinto para sa natulalang si Clementine.
Lumabas ang dalaga. Hindi niya nagawang lingunin ang binata na sigurado siyang pinapanood siyang pumasok sa kaniyang kuwarto.
Her room is beside her father’s study room at the end of the hall while Quentin’s at the opposite side.
Lumunok si Clementine dahil nakasalubong niya si Angela na mukhang kakaakyat lang sa second floor. Nagtataka itong tumingin kay Clementine papunta sa kapatid na nakatayo pa rin sa pintuan.
Clementine did not greet her. Diretso itong pumasok sa kuwarto niya at ni-lock ang pinto. Hinawakan niya ang dibdib niya at sumandal sa pinto.
“What the heck is that?” she asked.
Kung kanina ay hindi niya maramdaman ang pintig ng puso niya, iba iyon ngayon. Sobrang nagwawala ang dibdib niya kasabay ng pag-init ng mga pisngi at tenga niya.
‘I saw it…’ sabi niya sa isipan.
Pumikit siya ng mariin. She saw everything! She cannot deny it. Quentin was proud enough not to cover his body.
Liberated siya but she cannot deny that he’s that huge! And it’s not even awake when she saw it. Hindi na siya bago roon. Hollywood films showed nudity and her college friends were sometimes proud.
But when she saw it that in high definition, she felt that everything around her is on fire.
‘But did he saw my body, too? Sa ilog noong nag-skinny dip ako?’ she asked on her mind and stood up to lay on her bed.
“Sh*t! We saw each other naked, then?” she cannot help but to say it.
Nagpagulong-gulong siya sa kama. She need to calm down! It’s not like she’s never seen one before!
Hindi niya alam paano siya nakatulog sa gabing iyon. She woke up the next day when she heard Manang banging on her door.
“Hija!” she called, “Male-late ka sa klase mo.”
“Okay, Manang! I’ll be down in a few minutes!” she shouted.
Parang mahika na nawala ang mga katok sa pintuan. Bumangon si Clementine at nag-ayos niya. She looked at the mirror. It’s been crazy since she went home, ay unti-unti na siyang nakakapag- adjust kahit papaano.
She opened her door to go down when Quentin’s door also opened and he went out, too. Nagkatinginan silang dalawa ng binata.
She looked away, as she can still remember it. Tumikhim siya at naglakad papunta sa hagdanan. Quentin was walking behind her as she can hear his footsteps on the hardwood floor.
Pagka-pasok nila sa dining, nakaupo na roon si Angela. Tahimik pa rin nitong pinagmamasdan si Clementine at Quentin.
Umupo si Clementine at hindi tumingin kahit kanino.
“Mag-umpisa na kayo kumain,” sabi ni Manang at nagsalin ng juice sa baso ni Clementine.
Nilingon ni Clementine ang kabisera kung saan lagi nauupo si Don Wilfredo.
“Nasaan si Daddy, Manang?” she asked.
“Naku! Iyon at nasa kuwarto. Masama na naman ang pakiramdam. Baka mamaya ay tumulak iyon papunta ng Manila para makapagpatingin.” sabi ni Manang.
Lately, halos hindi na sumasabay sa pagkain si Don Wilfredo. Palagi nang masakit ang mga katawan nito. Clementine worried so much about her father’s condition.
“Is he fine, Manang? Hindi ba ay nag-te-treatment naman si Daddy?” she asked.
Tumango si Manang.
Quentin looked at her.
“Uma-attend ng chemotherapy si Don Wilfredo sa Maynila kaya ‘wag kang mag-alala, Senyorita.” sabi niya, “Sinasamahan ko siya sa tuwing puwede ako.”
Hindi pa rin mapakali si Clementine. She went home pero hindi naman niya naaalagaan ang ama o hindi kaya ay natututukan sa kaniyang cancer.
“When is the next chemotheraphy? Kasama ka ba? Puwede ba akong sumama sa iyo kung sakali?” she asked.
Tumango si Quentin.
“Sa darating na linggo. Kung pupunta si Don Wilfredo ngayon baka sumunod ako sa sabado ng gabi pero may klase ako sa La Salle kinabukasan ng umaga. You can join him at the hospital.” sagot ni Quentin.
"Okay, sasama ako." pagkumpirma ni Clementine.
Naibsan saglit ang kaniyang pag-iisip. Kaya naman ng sumapit ang sabado, ay sinalubong niya si Frances na para sa kanilang report. Nasa veranda sila kung saan natatanaw mo ang swimming pool. Bukas ang laptop ni Clementine.
“Uhm, Ito nga pala ‘yung mga nahanap ko sa internet na puwedeng ilagay sa report.” sabi ni Frances at binigay ang isang A4 na may bulleted items.
Tiningnan iyon ni Clementine.
“Printed ito, ah? Uso ‘yon dito?” tanong niya.
Nahihiyang tumango si Frances.
“May computer shop sa bayan. Iyon ang takbuhan ng mga estudiyante kapag may i-re-research sila.” sabi ni Frances.
“Ah, okay!” sabi ni Clementine at hinarap kay Frances ang kaniyang laptop. “Ito naman ang sa akin. Hindi ako masiyadong magaling sa Filipino kaya ikaw sana ang mag-proofread.”
Tumango si Frances at inayos ang salamin bago basahin ang nasa screen.
Lumabas sa double doors si Angela na may dala-dalang tray. Dalawang orange juice at mga sandwiches ang nandoon.
“Kumain ka na muna, Frances.” pag-aalok ni Angela na may malaking ngiti.
Ngumiti din si Frances at tumango sa kaniya.
“S-Sige po, President.” sagot ni Frances at tumingin kay Clementine bago binalik kay Angela. “Salamat po, Pres Angela.”
Tumaas ang kilay ni Clementine. Angela’s really friendly to others. Ibang-iba kapag siya ang kausap. It’s too obvious that she did not like her at all.
“Ako, Angela? Hindi mo aalukin?” sarcastic na tanong ni Clementine.
It's so funny to Clementine how Angela acted like the host and owner of this house. She rolled her eyes dahil siya na may-ari ng bahay hindi inalok ng meryenda.
Napawi ang ngiti ni Angela, ganoon din si Frances. Binaba ni Angela ang tray sa malapit na table at malamig na tumingin kay Clementine.
“Ito ang mga pagkain, Senyorita.” tipid na sinabi niya at bumaling kay Frances, “Kumain ka lang. Kapag may kailangan ka, nasa kusina lang ako.”
Ngumiti si Angela muli kay Frances bago pumasok.
Tumango si Frances. Umirap si Clementine at tumayo para kumuha ng juice. Binalik naman ni Frances ang tingin niya sa laptop at tahimik na sumimsim sa kaniyang juice.
“President Angela, tch?” Clementine asked her out of the blue. “President ba siya?” she asked again.
Tumango si Frances.
“Student Council President po siya kaya kilala siya ng lahat.” paliwanag ni Frances.
“Friends kayo?”
Umiling si Frances.
“Marami siyang kaibigan sa school. Pero magkakilala lang po kami,” naiilang na sagot nito.
Umirap si Clementine. Actually, Frances looked like your typical nerd. Makakapal ang kaniyang salamin. Maikli ang buhok at parang hindi iyon nasusuklay man lang. She also lacks of confidence. Simpleng eye-contact hindi niya magawa.
“Why are you using ‘po’ on me? Mukha ba akong matanda sa’yo?” masungit niyang tanong.
“H-Hindi. Ang ganda mo nga po,” aniya.
“Then, mukha ba akong masungit?” tanong niya ulit.
Hindi umiling o nag-atubiling sumagot si Frances. Pinagkrus ni Clementine ang kaniyang braso.
“I don’t bite people, Frances. Like you normal akong tao. I don’t get it bakit palaging nakatingin ang mga tao sa school.”
“Kasi mayaman ka. Saka nababasa ka lang dati sa mga diyaryo o ‘di kaya sa mga fashion magazine kaya siguro naninibago ang mga tao sa SLCC.” paliwanag niya.
Tumaas ang kilay ni Clementine.
“Oh! You read fashion magazines?” tanong niya.
Namula ang pisngi ni Frances at dahan-dahan tumango.
“So, you’re not a nerd at all!” masayang sabi ni Clementine.
“Ha?” naguguluhang tanong ni Frances.
“You have thick glasses, porma na oh-so-baduy and you’re quite the loner at school. Wala kang friends!” sabi ni Clementine.
“May mga kaibigan naman ako—“
“Well, you don’t have true friends.” sabi ni Clementine.
Natahimik si Frances. Clementine observed her when she sees her on campus at ni walang beses niyang nakita na may kasama ito. She’s a complete loner.
“I-Ikaw din naman ah?” tanong ni Frances na halatang kinakabahan sa pagsasabi noon.
Parang wala na nagkibit-balikat si Clementine. Well, totoo naman kasi na wala na siyang maituturing na kaibigan as of the moment.
“You are right.” simpleng sabi ni Clementine. “Since you like fashion and I like fashion… Frances, we can be friends.” sabi ni Clementine.
“F-Friends?” nauutal at biglang nasabi ni Frances
Gulat naman si Frances sa sinabi niya.
Ngumiti si Clementine at tumango. Gaya ni Frances, she doesn’t have friends as of the moment. So, to pass time, she can try to make friends here. At perfect si Frances para roon.
“Yup and I will make everyone regret that they did not get to know you better.” she winked.
Napalingon si Clementine at Frances nang natanaw nila ang dumating na si Quentin, sakay sa kaniyang pick-up truck.
Naglakad ito papunta sa kanilang banda. Tamad na pinanood ni Clementine iyon habang hindi naman makatingin ng maayos si Quentin.
“Activity?” simpleng tanong ni Quentin at tiningnan ang mga papel na nasa mesa.
“Obvious ba?” tanong niya na may mataray na tono.
"Ano ang subject?" tanong nito.
"F-Filipino po," nauutal na tanong nito.
Hindi iyon pinansin ni Quentin. Nilingon nito ang nakamasid na si Frances.
“Frances, good to know you’re making some friends.” nakangiting sinabi ni Quentin.
Pinanood ni Clementine si Frances na halos maging kasing pula ng kamatis. Ngumiti lang ito kay Quentin.
“Sige. Maiwan ko na kayo diyan. Galingan niyo,” sabi ni Quentin at pumasok na sa loob ng mansiyon.
Nakasunod naman ang tingin ni Frances doon. Tinaas ni Clementine ang kaniyang kilay at ngumisi.
“You like him,” sabi niya bilang kumpirmasyon.
Namula si Frances at umiling.
“H-Hindi ah!” sigaw niya para matanggi niya.
Pinagdaop ni Clementine ang kaniyang mga palad at ngumisi kay Frances.
“You’re so obvious! Kulang na lang maglaway ka diyan.” sabi ni Clementine at tumawa pa.
“H-Hindi naman ako mapapansin ni Quentin. Hindi ako kasing ganda mo o ng naging girlffriend niya.” sabi ni Frances, “Isa lang ako sa mga daan-daang tagahanga niya.”
Clementine groaned. She hates it when someone around her is so negative.
Hindi naman siya pangit. Maganda ang kaniyang katawan at mahaba rin ang legs base sa pants na suot niya. Hindi lang siya marunong mag-ayos. With proper fashion and a little bit make-up, lalabas ang ganda ni Frances! Mas maganda pa nga ito sa mga feeling Queen bee sa SLCC.
“I have an idea so you can have confidence.” sabi ni Clementine. “Tutulungan kita para mapansin ka ni Quentin Blanco.”