“Bakit mo ako gusto tulungan?” tanong ni Frances.
Huminga nang malalim si Clementine.
“Actually, ‘di ko rin alam,” she answered honestly, “Maybe I am bored.”
She really wanted to do something. Her life’s been rapidly rearranging in the span of months.Gusto lang niya ng diversion.
And with Frances, she’s hitting two birds in one stone. She’s helping her and been making herself busy.
“Hindi mo ba gusto si Quentin?” tanong ni Frances.
Tumawa si Clementine na para siyang nakarinig ng isang malaking joke. Ang tipo ng nga gusto niya, mga lalaking ka-level ni River. Mga lalaking guwapo, maganda ang katawan, matalino at higit lahat, mayaman.
“If I like him, boyfriend ko na siya ngayon pa lang, Frances!” confident na sagot niya.
Frances blushed. Tumawa lang ito ng kabado at nagpatuloy na sa paggawa ng kanilang report. Dumating ang tanghalian, at lumabas si Angela para sabihin na handa na ang pagkain.
“Let’s go, Frances.” sabi ni Clementine na may malawak pang ngiti para rito.
Nasa hapag na si Quentin pagdating nila. Halos mapatid pa si Frances nang nakita ang malawak na likuran ni Quentin.
“Be confident,” bulong ni Clementine.
Tumango si Frances. Nilingon sila ni Quentin. Clementine confidently walk. Nanatili ang tingin sa kaniya ni Quentin.
Sinadya niyang lumampas sa kaniyang palaging inuupuan na katapat ni Quentin. Tinuro niya kay Frances ang upuan na iyon. Nakangisi siyang umupo sa tapat ng seryosong si Angela.
“Let’s eat,” sabi niya at tinawag ang isa sa mga kasambahay doon.
Nagsalin si Melba ng juice sa mga baso nila. Nilingon niya si Quentin na seryosong kumakain.
“Kanino na subject ang activity niyo, Frances?” tanong ni Angela.
Ngumuso si Clementine. Ito ata ang unang pagkakataon na nagsalita si Angela sa hapag. But she did not mind it.
Gusto ni Clementine na maging confident si Frances. And it’s a good start. Ang makipag-usap siya sa mga tao ng hindi nauutal. Lalo na sa harap ni Quentin.
“K-Kay Mrs. Bacsa.” sagot ni Frances.
Pinagmasdan ni Clementine si Quentin na natapos na sa paglalagay ng kanin.
“Quentin,” tawag ni Clementine. “I want some rice.”
Walang imik na tumayo si Quentin para iabot sa kaniya iyon pero mabilis na umiling si Clementine.
“No. Just pass it to Frances,” aniya.
Gulat si Frances sa sinabi niya. Clementine looked at her and smiled.
“Please, Frances.” aniya at ngumuso, “So Quentin won’t stand up.”
Kumunot ang noo ni Quentin at umigting ang panga.
“Ako na, Clementine. Bisita si Frances rito.” sagot ni Quentin.
“I am sure—“
“H-Hindi. O-Okay lang. Ako na, Q-Quentin.” nauutal na sagot ni Frances at kinuha mula sa kamay ni Quentin ang bowl ng kanin.
Clementine smirked. Hindi makatingin si Frances na iniabot sa kaniya ang pagkain.
‘Hindi pa rin, confident pero at least may progress.’ she thought.
Masayang nagsalin ng kanin si Clementine. Ayaw naman niya talaga kumain pero dahil gusto niya ng interactions sa pagitan ng dalawa, napilitan siya.
Quentin remained looking at her. Tumaas ang kilay ni Clementine nang nilapag niya sa mesa ang kanin.
Natapos ang lunch. Natapos na rin nina Clementine ang kanilang report. Frances saved the power point presentation while Clementine was cleaning the table.
Clementine had the brightest idea formed on her mind nang makita niya si Quentin na may kinukuha sa kaniyang truck.
“I got an idea!” masaya niyang baling kay Frances.
Gaya niya, nakamasid na rin ito sa banda ng walang kamalay-malay na si Quentin.
“Sumunod ka sa akin, Frances!” utos niya at mabilis na bumaba sa veranda.
Dahil sa pagtawag ni Frances sa kaniyang pangalan, nakuha nila ang atensiyon ni Quentin. Pinanood ng binata ang pagdating nila.
“Quentin,” tawag niya at ngumiti sa binata.
Tumaas ang kilay ni Quentin.
“Ano ang kailangan niyo?” tanong nito sa kaniya.
“Can you drop Frances off sa bahay nila?” diretsang tanong niya.
Suminghap si Frances at hinawakan ang braso ni Clementine para pigilan ito.
“H-Huwag na nakakahiya—“ pagtanggi ni Frances.
“No. Mag-isa ka lang. Malayo ang gate rito at mahirap ang tricycle. Baka mapahamak ka pa. Let him take you home.” giit ni Clementine.
Namutla si Frances. Nahihirapan siyang tumingin kay Quentin.
Nanatili si Quentin na tahimik na nakatingin lang kay Clementine. Maigting ang panga nito habang pinandidilatan siya ng dalaga.
Lumunok si Quentin at binalingan si Frances na nakatingin sa kaniyang paa.
“Sige, Senyorita. Ihahatid ko si Frances sa bahay nila.” sabi ni Quentin na halos magpatalon kay Clementine.
“Cool. I will see you in school, Frances.” she said with a wide smile.
Tahimik na binuksan ni Quentin ang pintuan ng kaniyang pick-up truck.
“Let’s go. Ihahatid na kita, Frances.” sabi ni Quentin sa magalang na boses at umikot na papunta sa driver seat.
Namumulang tumango si Frances. Clementine took the chance to whisper at Frances.
“Strike some conversations with him. Huwag na huwag kang mag-stutter, okay? Be confident,” bilin niya.
Lumunok si Frances at umupo sa passenger seat. Pinanood ni Clementine na nagsuot ito ng seatbelt at ngumiti nang nakakaloko.
“Mauuna na kami, Senyorita.” pagpapaalam ni Quentin.
Dumungaw si Frances sa bintana at simpleng ngumiti.
“S-Salamat, Clementine.” aniya.
Kumindat lang si Clementine at kumaway. Pinanood niya ang pagkawa ng truck sa gate ng mansiyon.
She went inside and rewarded herself a good and warm bath and pampered herself with wine and scented candle.
She wore her satin bathrobe when a knock on the door came. Dahil mukhang may ideya na siya kung sino ‘yon, excited niyang binuksan ang pintuan.
Bumulong si Quentin at pumikit.
Clementine did not mind. May underwear siya sa ilalim ng bathrobe and her curves are to die for kaya bakit niya itatago iyon?
“Bakit hindi ka pa nagbibihis? Put on some clothes!” utos ni Quentin sa iritadong boses.
“How did it go with Frances?” tanong ni Clementine.
Walang reaksiyon si Quentin.
“Hinatid ko na sa kanila.” simpleng sagot nito.
Ngumuso si Clementine.
‘Ano ba ang aasahan ko sa isang ito? I will just talk to Frances at school on Monday’
“Maghanda ka ng kaonting damit. Aalis tayo mamayang gabi.” utos ni Quentin.
Ngumuso si Clementine.
“Okay.” sagot ni Clementine.
Nasa Manila si Don Wilfredo para sa kaniyang chemotheraphy bukas. Clementine will go with Quentin tonight dahil may klase ang binata sa La Salle sa umaga.
Pinasadahan ni Quentin ang suot ng dalaga.
“Wear something comfortable. Huwag masiyadong maiksi,” puna niya. “Walang shortage ng tela rito sa Pilipinas.”
Umirap si Clementine.
“Okay po, Kuya!” sarcastic na sagot niya at sinara ang kaniyang pintuan.
Naghanda si Clementine ng tatlong set ng damit. She would stay in the hospital or get some hotel room. Exactly six in the evening, pinababa na siya ni Manang para kumain bago sila umalis ni Quentin.
“Where are we heading, first?” tanong niya kay Clementine na binibitbit ang malaki niyang Christian Dior bag pababa.
“Hospital,” simpleng sagot nito.
Nalaglag ang panga ni Clementine ng ang lumang pick up ni Quentin ang binuksan niya. Doon niya nilagay ang mga gamit nila.
“Iyan ang dadalhin natin sa Manila?” tanong niya.
Sinara ni Quentin ang pintuan ng likod na truck.
“Ano ang problema mo sa sasakyan ko, Senyorita?” tanong niya.
Pinagmasdan ni Clementine ang lumang truck. She is ashamed to be seen riding it here in San Lucas… what more sa Manila?
“It’s not so bagay on me! Also, sa La Salle. Hindi ka ba nahihiya?” she exclaimed.
‘Ano na lang ang iisipin ng mga tao kapag pinarada ni Quentin iyan sa tabi ng mga luxury cars and latest SUV ng mga estudiyante?’ aniya sa kaniyang isip.
“Hiramin mo muna ang isa sa mga SUV ni Daddy! I am so sure he won’t mind.” ani Clementine.
Umiling si Quentin na halatang galit na sa dalaga.
“Hindi naman iyon sa akin, Senyorita. Saka, wala akong problema kung makita man ako ng kung sino na nakasakay sa sasakyan ko.” sabi ni Quentin.
“But—“
“Kung nahihiya ka na sumakay sa sasakyan ko, you are free to take the bus.” galit na sinabi ni Quentin at sumakay na sa driver seat.
Umirap si Clementine. Manang would not let her drive to Manila kasi iyon ang utos ni Don Wilfredo. Not to let her have the car keys of any of the vehicles in the garage.
Ini-start ni Quentin ang sasakyan at nilingon si Clementine na nakatayo pa rin sa labas.
“Sumakay ng tricycle papuntang terminal. May biyaheng Manila roon.” sabi ni Quentin.
The pick up moved and eventually accelerated. Nagulat si Clementine. He looked serious with his threats.
“Hey, wait!” tawag ni Clementine at humakbang para habulin ang pick up.
Tumigil naman agad si Quentin. Masama ang tingin ni Clementine na pinukol sa binata.
“How dare you leave me here?” tanong niya, ngayon ay galit na.
Quentin raised his brow.
“Sasakay ka ba o iiwanan kita rito?” tanong ni Quentin.
Umirap si Clementine at wala siyang choice kung hindi sumakay na lang sa lumang sasakyan ni Quentin.
Sinara ng binata ang bintanan noon at binuhay ang air conditioning ng sasakyan.
“Makakarating pa ba ito sa Manila?” kuryusong tanong ni Clementine.
Hindi siya nagbibiro noong sinabi niya na luma ang sasakyan ni Quentin. It was a 1990’s model of a famous brand. Kulay dark green iyon at puro gasgs.
“It is my second year in La Salle. Ni minsan hindi pa ako binibigo ng sasakyang ito,” sabi ni Quentin.
“Maliit ba magpa-suweldo si Daddy?” tanong ni Clementine. “You are his golden boy, I am sure you can buy one second hand sedan that is better than this.”
“Hindi iyan ang priority ko, Senyorita,” sagot ni Quentin. “Hindi ako superficial na tao.” dugtong pa niya.
“No one told you to be superficial! I am just saying that it’s better to buy a new one lalo na at dinadala mo ito sa Manila.” sabi niya.
Clementine looked outside.
“Ikaw lang ata ang kilala ko na nagda-drive pa ng ganito ka-bulok na sasakyan.” she rolled her eyes, “Nag-aaral ka pa naman sa La Salle!”
“Ano naman kung ganoon?” tanong ni Quentin, tila hindi na nagugustuhan ang pang-iinsulto ni Clementine, “Hindi ako nag-aral sa Manila para magyabang at magpanggap na mayaman ako. Nag-enroll ako roon para mag-aral.”
“The guys around your age, drives decent cars. That’s the first thing na tinitingnan sa mga lalaki like you. Their apperance and cars.”
Umigting ang panga ni Quentin. He opened the stereo. Dahil muna iyon, it was a local station.
“Sinasabi mo ba na ganoon rin ang tipo mo? Masiyadong hollow ang mga preferences niyo kung ganoon.” sabi ni Quentin at lumiko papunta sa toll way.
“Yes, kahit ako. I like guys who have good family background and decent jobs.”
“Hindi ko pa naman kailangang bumili. Hanggang tumatakbo ang sasakyan ko, I won’t bother.”
“Iyan ang mahirap sa mga gaya mong lumaki sa hirap. Hindi marunong magpahalaga ng mga bagay-bagay.” aniya.
“Excuse me?” Offended na sinabi niya.
“Clementine, masiyado ka pa ngang bata gaya ng sabi ni Don Wilfredo. Masiyado kang high-maintenance at maarte,” sabi nito.
“I am not—“
“And don’t you worry. sigurado akong ang mga tipo ko ay hindi rin naman gusto ang mga tipo mo. Self-centered, spoiled at masiyadong maintenance girls.” pagpapatuloy ni Quentin.
Kumunot ang noo ni Clementine. Hindi niya nagustuhan ang sinabi ng binata.
"What are you saying? Hindi mo ako magugustuhan?" impulsive na tanong niya.
Hindi niya alam bakit ganoon na lang ang lumabas sa bibig niya. Masiyadong mayabang ang sinabing iyon ni Quentin kaya hindi niya na mapigilan na tumaas ang boses niya.
'Akala ba niya sobrang guwapo niya kung malait niya ako?' aniya sa kaniyang isipan.
"Hindi." diretsong sagot ni Quentin at bumaling sa kaniya,
"Hindi kita magugustuhan. Ayoko ng high-maintenance girls."