"That's ridiculous! Paano siya magkakaroon ng amnesia? Nabagok ba siya? Nauntog? Wala siyang tama ng bala sa ulo! Kalokohan!" Tulad ni Gail ay ganoon din ang naging reaksyon ko nang sa wakas ay muli kong makita si Blade. He can't recognize me and the reaction on his face was confused. Nagtataka kung bakit ko siya kilala at ni kaunting alaala tungkol sa akin ay wala. Napailing ako nilingon si Naori na ngayon ay nakahiga sa ospital bed. I can't imagine Naori's disappointment face. Baka mas lalong lumala pa ang lagay niya kapag nalaman niya pa iyon. "Gail, kailangan kong malaman kung bakit ganoon ang naging reaksyon ni Blade." Sa mahabang upuan ay naroon ang tulog na tulog na Izanagi. "What was Izanagi's reaction?" tanong ni Tris. I sighed. "He was shocked... And mad." Pinikit ko nang

