Katana's fifth month pregnancy. "Let's go?" Napaangat ang tingin ko nang pumasok si Blade sa kwarto. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama at inginuso ang flat shoes na hindi ko masout. "Hindi ko masout, Blade. Biglang laki na ni Baby, kahit five months pa lang," reklamo ko dahil medyo nahihirapan na ako. Napangiti lang siya at lumapit sa akin saka lumuhod. Hindi ko maiwasan ang pamulahan ng pisngi nang hawakan ni Blade ang paa ko at isout ang flat shoes. The gesture is just so sweet. Nang matapos ay tumayo na siya at sabay kaming lumabas ng kwarto. Lumabas kami at sumakay ng kotse. Si Drew ang kasama namim dahil wala si Sancho at may sariling issue na inaayos. Hindi na ito nagpakita simula ng araw na mangyari ang hostage taking sa mall. "Sa clinic tayo," utos ni Blade na agad sin

