Malakas na kumakabog ang dibdib ko sa maaaring kahantungan ng nangyayari. They cornered us all, meaning they can kill us instantly. Luckily, Bellamy left, bago mangyari ito. Kung hindi, ay baka siya ang pagbuntungan ng galit ni Aiko. Malakas na binitawan ni Aiko ang mukha ni Blade at naglakad papunta sa gitna. Humalukipkip ito na tila isang diyos na anumang oras ay p'wede niyang kunin ang buhay naming lahat. "Let me tell you a story," paninimula nito. "Long time ago, in Kyusu Island, Japan. Group of men, Revanche's men to be exact, went in our village to kill our grandfather without any explanation." Ang lahat ay nakikinig lamang sa kaniya. "Ojisan was a former member of one of the most dangerous group of criminals but he already quit! But Revanche still went there, and killed him."

