"How about, I strip first? Or, tie you up in bed so you couldn't fight?" Naglakad siya palapit sa akin. "What if I took a video while we're doing it? Ano sa tingin mo?" Nakakaloko ang mukha ni Blake na para bang ano mang oras ay lalapain niya ako. Inilang hakbang nito ang pagitan namin at ngayon ay halos ilang pulgada na lamang ang layo niya. Naghalo ang sama ng pakiramdam at kaba sa dibdib ko dahilan para bahagyang manginig ang aking mga tuhod. "Binabalaan kita, Blake. Kung ako sa 'yo lumabas kana," banta ko. "Oh! I'm scared Katana," pang-aasar niya. Nahigit ko ang hininga ko nang biglang lumapat ang kamay niya sa pisngi ko at piniga iyon. Malakas ko namang ginalaw ang ulo ko para alisin ang madumi niyang kamay sa aking mukha. Napaatras siya sa ginawa ko at doon lumabas ang galit

