Ilang minutong katahimikan ang namagitan sa amin ni Sir Blade nang pumasok siya ng kwarto. Umupo lang siya sa pang-isahang sofa sa harapan ng kama at nakatitig lang sa akin. Nag-iwas ako ng tingin at minabuting ibaling ang mata sa kabilang parte ng kwarto. Kahapon ay basta niya na lang ako hinalikan na kahit ako ay hindi makapaniwala. Iyon ang unang halik ko kaya hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko hanggang ngayon. Tila ba hindi natahimik ang mga bulate ko sa tiyan at sa t'wing pipikit ako ay mukha niya ang naiisip ko. Papaanong nangyari sa isang iglap na si Blade Revanchen ay hinalikan ako? Malakas akong napailing at humarap sa kaniya na nakatitig pa rin sa akin. Lumunok ako ng laway para ihanda ang sarili sa pagsasalita. Medyo nakakailang kasi ang sitwasiyon namin ni Sir Blad

