Muntikan na akong mahulog sa sofa nang marinig ko ang malalakas na katok na siya nagpagising sa akin. Bumalikwas ako nang bangong at pupungas-pungas na umupo nang maayos. Hinanap agad ng mata ko si Blade ngunit wala ito sa hinigaan. Nang tumungo naman ang tingin ko kay Lindsay ay nakaupo ito sa kama at namumutla ang mukha. Dahil sa pagtataka ay tumayo ako at lumakad patungo sa pinto. Akmang hahawakan ko ang seradura nang biglang kumatok ulit nang malakas ang nasa labas. "Puta! Ano, Lindsay?! Hindi ka lalabas diyan?!" Napaawang ang labi ko at nilingon si Lindsay na napapailing at mababanaag ang takot sa mukha. Malamang ang Kuya Edison niya ito at pinunantahan siya para gawan ng hindi kanais-nais. Lumapit ako kay Lindsay at hinawakan siya sa braso. "Bakit nandito siya?" mahinahong tanon

