Chapter 19

2036 Words

Hindi ako makapagsalita Habang nakatitig sa puting kabaong na ilang dipa ang layo sa akin. Nanlulumo ako at nasasaktan dahil sa nangyari. Hindi rin ako makapaniwala sa bilis ng pagkamatay ni Attorney matapos naming makilala at malaman ang kinaroroonan niya. Napapikit ako at napailing dala ng pagkadismaya. Isang riding in tandem ang bumaril kay Attorney Roel Guzman habang palabas ito ng law firm niya. Ang mga suspek ay walang balak magnakaw sa kaniya dahil ang motibo ay ang diretsong patayin siya. Hindi pa nahuhuli ang mga salarin dahil balot na balot ang mga gumawa ng karumal-dumal na pagpatay. "It's okay Katana," pag-alo ni Blade nang marinig niya ang malalalim kong paghinga. "Nagtataka lang ako kung sinadya ba na patayin siya bago natin siya mapuntahan o nagkataon lang," saad ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD