Tuloy-tuloy ang patak ng luha ko habang nakatitig sa laptop ni Blade. Nasa likuran ko silang lahat at kapwa nanonood ng kahindik-hindik na video na galing sa binigay ng anak ni Attorney Guzman. Ang pinapanood namin ay kung paano walang awa nilang sinaktan ang ama ko na walang kalaban -laban dahil sa mga kadena sa paa at kamay. Bugbog-sarado at halos hindi na maidilat ang mata. "Hoy! Attorney Guzman! Siguraduhin mong maililipat sa amin ang mana ng taong 'to ha!" saad ni Uncle Van. Bahagyang umalog ang video marahil sa paggalaw ng kumuha na si Attorney. "General, baka mamatay po—" "Tumahimik ka!" "P-pakiusap Val, 'wag niyo na idamay si Katana—argh!" pagmamakaawa ng ama ko. "Tangina naman kasi! Bakit kailangang ikaw pa ang totoong anak!" "Val! Magkapatid tayo!" "Tanga! Narinig mo ba

