Marahas akong tumingala nang marinig ang pagbukas ng pinto ng basement. Isang lalaki ang pumasok bitbit ang isang basong tubig. Napalunok ako nang makita iyon dahil uhaw na uhaw at nanunuyot na ang aking lalamunan. Tanging isa basong tubig lang ang inihahatid nila sa akin sa loob ng mga nakalipas na araw. "Oh tubig!" sigaw ng pumasok at basta na lamang binuhos sa bibig ko ang laman ng baso. Umaapaw iyon at pinanghihinayangan ko ang mga natapon. "T-tubig please," pakiusap ko. "Binigyan na kita 'wag kang abusado!" Sinabunutan niya ako at basta na lamang binitawan nang marahas ang aking buhok. "Alam mo, kung p'wede ka lang tikman ginawa ko na! Hayop na 'yan!" Nag-igting ang panga ko at dinuraan siya sa mukha. "Nakakadiri ka!" Nanlaki ang mata niya at malakas akong sinampal. Namanhid a

