Halos magdamag na gising ang diwa ni Dina kahit na ba’y nakapikit ang kanyang mata ngunit hindi talaga siya dalawin ng antok dahil sa halo halong kabang nadarama. Hindi n’ya kasi malaman kung tama ba ang pagkaka install n’ya n’ong Mobile Tracker sa cellphone ng asawa. Kaya naman minabuti niyang bumangon sa pagkakahiga at sandaling tinapunan ng tingin ang asawa upang masiguro kung ito’y tulog pa. Muli n’yang subukan yung tracker, sinubukan niyang tawagan at i-text ang numero ng asawa upang sa gayon ay malaman na n’ya dahil hindi rin naman siya makatulog sa labis na pag iisip. Matapos tawagan at itext ay muli siyang nagtipa para maka-log in at para rin makita n’ya ang dashboard ng minomonitor n’ya. Kinabukasan tinanghali ng gising si Dina dahil alas singko na ito ng umaga natulog kaya na

