"Kuya James kung balak mo ‘kong i-prank o ‘di kaya’y trip trip lang ito….” isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Dina bago ito muling nagsalita. “Kung trip niyo lang ito ay hindi ako natutuwa. Hindi nakakatuwa na gawin mong biro ang mga ganitong bagay, Kuya!” mariin nyang sagot sa kabilang linya dahil alam ni Dina kung paano maglambingan ang magkakaibigan. “Hindi ito trip o prank! Hindi ako nagbibiro Dina—“ anito ngunit kaagad ng pinutol ni Dina. Mabilis nitong kinuha ang susi ng sasakyan sa kanilang kwarto at tumungo sa nasabing lugar. “Sana nanaginip lang ako ngayon.” pagkausap ni Dina sa sarili habang patuloy sa pagmamaneho. Dalangin n’ya’y sana namalikmata lamang ang kanyang pinsan na si James dahil hindi kayang iproseso ng kanyang utak na niloloko s’ya ng kaniyan

