Chapter 8 Buko

1455 Words
Nagising ako na may humahaplos haplos sa buhok ko. Pagmulat ko ng mata bumungad sa akin ang nakangiting mukha ng asawa ko. "Ahm, ah, Misis ko may pinakuha akong buko nasa baba na." nakangiting saad nito sa malambing na tinig "Pinakuha? Ibig sabihin ay hindi ikaw ang mismong kumuha?" taas kilay kong tanong "Oo, Misis ko.” anito habang kumakamot pa sa batok "Ayaw ko non ikaw na lang ang kumain gusto ko ay si Kuya Dave ang kukuha mula sa puno para sa akin.” Saglit syang na tigilan sa tinuran ko at mariin siyang tumingin sa akin na para bang sini-sigurado kung ako ba ay seryoso. "Misis ko magagalit ang Kuya mo at baka nga mag friendship over na rin kami, eh." "Ah, basta si Kuya ang gusto ko," matigas kong saad “Nakatulog pala ako ng matagal.” piping usal ko sa isip "Teka paano pala ako nakarating rito sa kwarto? Baka pinagsamantalahan mo na naman ako, huh?" "Simple lang naman Misis ko nanaginip kang umaakyat ng hagdan tapos yun, yun na nakarating kana rito." pilosopo nitong sagot habang nakangisi. "At hindi ako nanamantala ikaw yung nakiusap sa akin kaya pinagbigyan lang kita dahil nakakaawa kana kaya ng mga oras na yun. ‘Please take me out of here. Gusto ko sa malamig na lugar’ sabi mo kaya dinala kita sa malamig at may bonus pa dahil nakarating pa tayo sa heaven habang nakatirik ang ating mga mata.” "Ah, ganun ba?" tanging usal ko at mabilis na kinuha ang lamp na nasa tagiliran ng aking kama upang itago ang pagkapahiya sa pamamagitan ng pagbato ko sa kanya ngunit siya namang pagkabilis kumaripas palabas ng kwarto. Ngayon ko lang napansin na naka uniform pa pala ito ng pang ibaba at naka combat kaya kamuntikan pa itong madulas ng hagdan. "Hoy Sedest, bumalik ka rito. " sigaw ko habang ako ay nasa unang baitang ng hagdan. Nakita ko si Mommy habang nasa likuran naman nito nagtatago ang may kakayahan makapag painit ng dugo ko sa pamamagitan lamang ng segundo. "Dina tumigil na kayo huh, hindi na kayo bata at baka madulas ka pa riyan baka mapano at duguin ka pa.” saway ni Mommy sa aming dalawa na medyo natagalan magsink in sa utak ko. "Is that true Misis ko, buntis ka? Magiging daddy na ako?” masayang tanong nito at ramdam na ramdam mo rin na punong punong ng excitement ang awra ng kanyang mukha. Oo nga pala buntis ako dahil kanina nagtest kami ng pregnancy test ng lumabas muli si Manang para sana bumili ng buko ay nagpabili na rin nito si Mommy, at para raw malaman na namin. Hindi naman nagkamali ang aking Ina ng hula dahil dalawang pulang guhit ang lumabas. Hindi ko alam ang nararamdaman ko nang mga oras na yun dahil masyado pa akong bata at hindi pa ako handa na maging Ina. "Oo, magiging daddy kana." mahina kong sagot "Yes! Yes! Daddy na ako." sigaw pa nito sabay talon talon "Hali na kayo kumain na tayo ng tanghalian." pag anyaya ni Mommy Inakbayan naman ako ng asawa ko sabay bulong ng ‘I love you, Misis ko’ at hinalikan pa ako sa pisngi kaya naman napahawak ako sa dibdib ko sa tapat ng aking puso dahil biglang bumilis ang t***k nito. Nakaakbay sya sakin hanggang hapag kainan pinaghila at ina-alalayan n’ya ako hanggang sa ako’y makaupo. "Kumuha kayo ni Kuya ng buko ha." nagpapaalala kong saad. "Tatawagan ko muna pag ayaw ay pag tiyagaan mo na lang ako Misis ko." nakangiti nitong saad Dinukot nito ang cellphone n’ya mula sa kanyang bulsa. "Bro, gusto ng kapatid mo na ikaw raw mismo ang kukuha ng buko mula sa puno para sa kanya may kinuha na kasi ako dito pero ayaw n'ya anamn dahil ikaw nga raw ang gusto n’yang kumuha n’on." aniya at sandali itong tumigil sa pagsasalita "Okay pupunta rin kami d'yan bukas sige basta yung buko huh, oo nga kahit isang million pa. Bye. Salamat Kuya." anito Magkatabi kami mag asawa sa upuan habang kaharap ko si Mommy. Nilagyan ko ng pagkain ang plato n'ya matamis siyang nakangiti ng saglit akong mapatingin sa kanya. Tahimik kaming kumain na tatlo at tanging tunog lamang ng kubyertos ang maririnig na ingay. "Ken, bakit nga pala hindi ka umuwi kagabi?" basag ko sa katahimikan. "May ginawa kaming activities, Misis ko pero sisikapin kong makauwi palagi para naman may kasama ka o kaya naman kung gusto mo kumuha tayo ng makakasama mo para umalalay sayo." "Huwag na dito na lang ako kay Mommy." saad ko ngunit hindi ako nito sinagot. "Pagkatapos natin kumain pumunta tayo sa clinic ng pinsan ko, Misis ko para macheck si Baby ko." wika nito habang ngumunguya tumango tango naman ako bilang sagot. **** Habang lulan ng sasakyan napaisip ako. "In just one click nagbago ang buhay ko at 8 months from now maging ganap na ina na ako. Hindi ko expected na mangyayari ito ng ganito kabilis sana pala hindi na lang kami nagpunta ng Bar na yun." piping usal ko sa isip "Misis ko." "Misis ko," medyo malakas n'yang tawag at naging dahilan rin ng pag gising ko sa malalim na pag iisip. "Bakit?" mahina kong tanong ngunit hindi ko siya nilingon dahil diretsong nakatingin ang mga mata ko sa labas ng bintana "Mukhang malalim ang iniisip mo ah," aniya mukhang nahulaan niya ang nasa isip ko "Hindi naman. Hindi, hindi lang ako makapaniwala na in just one click bigla na lamang akong nag ka-asawa at buwan na lang ang bibilangin ay maging isang ganap na ina na rin ako." saad ko sa malungkot na tinig. "Hindi ka ba masaya?" tanong nya habang ang mata ay nasa daan. Tumingin ako sa labas upang makaiwas sa mga katanungan niya. "Mahal mo pa rin ba si Matteo?" "Mahal ko nga ba si Matt? Minahal ko nga ba talaga si Matt?" piping usal ko sa isip "Bakit ikaw mahal mo ba ako?" imbis na sagutin ay binalik ko ang tanong sa kanya at hindi ko inaasahan ang kanyang magiging sagot. Isang buntong hininga ang pinakawalan n'ya bago ako sagutin. "Oo naman matagal na simula ng hinalikan kita ng madapa ka mula noon hindi ka na nawala sa isipan ko yung pagsimangot mo habang masamang masama ang mga tingin na ipinukol mo sa akin." seryoso nitong sambit Hindi ako nakakibo sa tinuran n'ya at ramdam ko rin na namumula ang pisngi ko. "Misis ko siguro pagbalik na lang natin tayo magpacheck up hapon na kasi at mahirap abutan ng dilim sa daan lalo na at kasama ko pa kayo ni Baby ko." aniya na mabilis kong kinabaling ng tingin sa kanya "Huh, bakit saan ba tayo pupunta?" kunot noo kong tanong "Sa Lucban, dahil kasal ng pinsan ko." sagot niya pero nasa daan pa rin ang atensyon "Wala tayong damit Mister, at bukod ron hindi pa ako naliligo." "Matulog kana muna Misis ko." wika nito at hinaplos ang impis ng aking t'yan na, na bigla rin may humaplos sa puso kong awa dahil alam kong pagod ito galing trabaho tapos malayo pa ang byahe namin. "Mister, gusto mo ako muna mag drive? Para makapag pahinga ka naman kahit saglit." wikang saad ko habang matamis na nakangiti. Tumingin naman siya sa akin na para bang hindi makapaniwala. "Anong tawag mo sakin? Pakiulit nga," "Mister." Paguulit ko na naging dahilan ng matamis n'yang ngiti. "Huwag na Misis ko, kayang kaya ko pa naman at ayaw ko ring pagurin ka dahil mamaya kailangan mong tanggalin ang pagod ko." "Hmm. Ginawa mo pang stress reliever ang p***y ko." saad ko dahil hindi naman na ako ganun katanga dahil may karanasan na ako at dahil yun sa kanya "Advance mo naman mag isip Misis ko, ipapahilot ko lang naman itong balikat at binti ko pero pwede rin kaya ko naman mag five rounds mamaya." wika nito habang matamis na nakangiti. "Misis ko ah, ganyan mo ba ako sobrang namiss?" dagdag pa nitong nangaasar. Namula ako sa pagkapahiya kaya hindi na lamang ako sumagot bagkus nagtutulog tulugan na lamang ako ng maya maya nakaramdam ako ng naiihi. "Mister naiihi ako itabi mo muna dahil bawal daw magpigil ang mga buntis." "Sige sandali lang dahil maghahanap muna ako ng banyo." Nang may makita kaming gasoline station agad naman iginilid ng huli kaya mabilis rin akong bumaba at tumungo sa banyo. "Mister, wala ka bang kapatid?" tanong ko ng makabalik at upo ako "Wala Misis ko nag iisa lang akong anak at apo kaya babawi ako sa anak natin kaya taon taon bubuntisin kita hanggang makabuo na tayo ng isang squad." aniya habang wagas na nakangiti. "Mas masaya kapag marami, magulo, at marami ka rin karamay ang hirap kasi ng mag isa lang Misis ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD