Chapter 7 Bicol Express

1200 Words
Pagkalipas ng isang oras ay nakarating din ako sa bahay ng parents ko. Bumusina ako ng dalawang beses maya maya naman ay nakita ko kaagad si Manang Felly na palabas para pagbuksan ako kaya binuksan ko ang bintana ng aking sasakyan sa driver seat para ipakita ang sarili. "Good Morning, Manang!" bati kong nakangiti "Ay! Ikaw pala 'yan Dina, juskong bata ka akala ko kung sino na dahil napakaaga mo naman kasi." palatak ni Manang habang ibinubukas ang gate matapos ay agad akong nag park at bumaba. "Si Mommy po ba Manang ay gising na?" "Hindi pa dahil alas singko palang ng umaga, alas syete ang gising ng iyong Ina." Tumango tango ako bilang sagot at umakyat na patungo sa kwarto nina Mommy. Nasa b****a na ako ng pinto ngunit nakita kong nakabukas ang pinto sa tapat na kwarto ng kapatid ko't narinig kong umiiyak din si Baby Denise kaya pumasok na ako ng walang pahintulot. "Hello! Baby, Tita is here come to Tita," saad ko habang dahan dahang lumalapit upang kunin ito sa crib n'ya. Ilang sandali pa ay nakita kong galing labas si Ate Eve habang may bitbit itong dede at si Kuya naman ay lumabas galing banyo. "Ate nagugutom na sya." saad ko habang dahan dahang ibinalik sa crib si Baby. "Oo, naubusan kasi ako ng gatas kasi ang lakas ni baby dumede eh." aniya "Bakit nandito ka? Ang aga aga pa, ah." pagsusungit ni Kuya. "Kuya akyat ka ng buko please." imbis na sagutin ang ay masama lang akong tinapunan ng tingin nito. "Bakit ako? May asawa ka naman ah, kaya 'yun ang pahirapan mo huwag ako." "Kuya naman eh, ikaw nga ang gusto ko sige na, please." "Lumabas kana matutulog pa ako." pagtataboy nito sa akin "Sungit mo," Wala akong magawa kundi ang lumabas na naluluha sa sama ng loob dahil sa kasungitan ni kuya. Nagtungo na lamang ako sa kwarto nina Mommy. "Mommy." tawag ko habang dahan dahang binuksan ang pintuan pagkabukas ay nakita kong gising na pala si Daddy "Nasa banyo." maikling sagot ni Dad habang ang mata ay nakatutok sa laptop nito. " Oh, Dina Anak." malakas na tinig ni Mommy ang nagpalingon sa akin mula sa banyo. "Mommy, gusto ko po ng bicol express ipagluto mo naman ako." saad ko habang nakayakap "Oh, sure for my baby." anito "Mommy ayaw akong ikuha ni kuya ng buko." sumbong ko sa aking ina habang nakayakap ay naluluha "Bakit ba ang babaw ko? Buko lang eh, naiiyak pa ako p'wede naman akong magpabili o bumili nalang." piping usal ko sa isip. "Magpabili na lamang tayo anak, may pinagdadaanan ang kapatid mo." aniya Nagtataka man sa tinuran ng aking Ina ay tumango na lamang ako bilang sagot. "Okay po." "Mommy magluto ka na hindi pa ako kumakain mula kagabi, please." saad ko habang nakayakap sa braso n'ya "Pambihira ka anak dapat pag aralan mo na mag luto para hindi ka ipagpalit ng iyong asawa." Napa isip ako sa sinabi ng aking ina may asawa na nga pala ako at kahit balik baliktarin man ang mundo may asawa na ako. Magalit man ako nang magalit sa kanya dahil sa ginawa n'ya ay asawa ko na siya, at kabiyak habang nabubuhay kami. Ganyan ang turo sa amin ni Mommy, ang kasal ay kabiyak ng iyong buhay na hindi na pwedeng paghiwalayin ng mababaw o walang kwentang dahilan. "Okay. Turuan mo po ako, Mommy." napipilitan kong sagot. Tumungo na kami ni Mommy sa kusina upang simulan na ang pagluluto. "Anak ikaw ang maghiwa ng mga rekado at magluto narito lang ako para umalalay sayo dahil kailangan mong matuto para hindi tulad ngayon na, na simula pa pala kagabi ay hindi ka pa kumakain." palatak ni Mom habang inihahanda ang mga sangkap na kakailanganin. "Hon alis na ako." paalam ni Dad kay Mom at humalik pa ito sa labi. "Sanaol" parinig ko "Hahahaha. Ikaw talaga masyado ka naman selosa my one and only princess." halakhak ni Daddy bago lumapit sa akin upang halikan ako sa noo. Sinimulan ko na ang pagluluto at makalipas ang isang oras ay naluto rin ang Bicol express na ala Dina. “Ymm” “Amoy palang.. nakakatakam na!” Mabilis akong nag sandok ng kanin na walang pakialam sa paligid o kahit alukin man lang sila ng 'kain' ay hindi ko na nagawa dahil naging sunod sunod ang naging subo ko. "Sarap." saad ko habang napa pikit pa ang mata "Anak, Anak dahan dahan naman." saway sa akin ni Mommy at lumapit pa ito sa niluto ko. "Tikman ko nga ang luto mo Anak," aniya sabay subo "Hm, ang anghang sobrang anghang naman." aniya at mabilis na nagtungo sa fridge para lumagok ng lumagok ng juice. "Maanghang? Parang wala nga po, eh." saad ko na may pagtataka kaya muli akong sumandok hanggang sa hindi ko namalayang naubos ko na pala "Naubos mo lahat Hija pati ‘yy-ung kanin?" tanong ni manang Felly na nagtataka ang tinig. "Opo pati ulam, hehehe." "Oh, ito na 'yung buko mo." aniya sabay abot kaya inabot ko ito mula sa kamay n'ya at isinalin sa lalagyan para simulan ko ng kaninin. "Ang sarap talaga ng buko manamis namis." "Manang meron pa po ba?" saad kong tanong kay Manang. "Aba eh, saan mo ba pinaglalagay ang mga kinain mo? Ang dami n'on ah." "Simula pa po kasi kagabi ay hindi pa ako kumain eh, kaya bumawi po ako ngayon Manang." paliwanag ko naman "Gusto ko pa nga po sana ng buko eh, kaso mukhang wala na." malungkot kong saad "Sige. Sandali tatapusin ko muna ito bago ako muling bibili, huh?" saad nito habang naghihiwa ng gulay. "Ako na lang po ang gagawa nito. Paano po ba?" "Oh sige gayahin mo lang ito, Hija ganon rin itong carrots mas mabuti pa manood ka sa YouTube." suhestyon pa nito habang naghuhugas na nang kamay. Pagkatapos kong hiwain ang carrots ay nanuod muna ako sa YouTube hanggang hindi ko na namalayan na nakaidlip na pala ako habang nakaubob sa mesa. "Hoy. Luto na siguro yung lulutuin mo oh, tingnan mo luto na yung sa pinapanood mo eh." saad ni Kuya habang itinuturo pa yung cellphone ko na nailing iling. "I hate you, Kuya." at masama ko pa s'yang tiningnan. "Hay nako. May asawa ka naman bakit hindi yun ang utusan mo ng utusan? Siya ang nagpakasarap tapos ako ang pahihirapan mo? Ang unfair ah," sagot ni kuya sa akin habang may dinukot ito sa bulsa ng kanyang pants. "Hello! Sedest, bumili ka ng buko my sister really hates me. Ikaw ang nagkapasarap tapos ako ang maghihirap sa mga gusto ng asawa mo? Unfair dude, magpakalalaki ka naman.” "Oo, nandito siya sa bahay at simula pa raw kagabi ay hindi pa sya kumakain." dagdag na wika ni Kuya na ikinalaki ng mata ko at napa-o naman ang bibig ko sa tinuran n'ya. "Kuya." saway ko dito na may pagbabanta ngunit saglit lang ako nitong tinapunan ng tingin at hindi na nagsalitang muli. Lumabas ako nagtungo na lamang ako sa living room dahil manunuod na lang ako ng palabas at habang nakahiga ako sa couch ay muli akong nakaramdam ng antok at hindi ko na nga ulit namalayan na nakatulog na naman pala ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD