Ken’s Point of View “2nd Lieutenant Sedest, nanganak na ang iyong asawa, alas nueve treinta y tres ng gabi.” narinig kong imporma mula sa radyo. Labis ang aking kaligayahan dahil sa aking pag uwi ay masisilayan ko na ang aming supling. Supling na lalong magpapatibay ng relasyon naming mag-asawa, at inspirasyon para tuluyan ko ng lisanin ang pagiging kawal. Gusto ko ng hilahin ang oras at liparin ang kabundukan upang ako’y makauwi na dahil pakiramdam ko’y napaka bagal ngayon ng oras. Pagkarating namin sa Campo, sinalubong kami ni Sgt. Cruz upang ibigay ang telepono nito dahil may ibig raw sa akin kumausap. “Hello Sir,” aniya ko sa kabilang linya. “Sedest may papunta ng helicopter dyan para sunduin ka kailangan ka ni Dina ngayon.” anito at pinatay agad ang naturang tawag na kinataka ko

