"Bakit ka ba umiiyak na naman d'yan huh, Stupid pwede ba tumigil ka na riyan hindi magiging masaya ang kambal dahil sa ginagawa mo." palatak ng kaibigan kong si Jessa. Oo, nasasaktan pa rin ako sa pagkawala nila syempre dahil isa akong ina. "Halika ka nga." anito sabay niyakap ang dalawang braso sa akin na lalong kinaiyak ko. "Hays. Naiirita na ako sa iyak mo tumigil ka na nga huwag mo naman akong stressin dahil baka mamaya ikaw pa maging kamukha ng anak ko lugi ako na nagdadalang tao.” saad nito na kinatigil ko sa pag ngaw ngaw. “Huh? Buntis ka na naman?” “Oo, na naman kaya utang na loob tantanan mo na iyang kakaiyak mo naiirita talaga ako malapit ko ng busalan ang bunganga mo." “Sorry na tanggap ko naman na ang nangyari sa kambal ko pero masakit lang sa akin na aalis muli si Ken

