PART 7

1039 Words
Isang masakit sa silaw ng araw ang tumama sa aking mukha dahilan para magising ako, kinusot ko muna ang aking mga mata bago bumangon, nakahawi na ang kurtina at nakatayo doon ang lalaking palagi kong kasama. "Good morning". bati ko sa kanya, humarap naman siya sakin at lumapit. "How's your Sleep?" tanong niya sa akin. "Good, Ah bakit nakahubad ka?". wala siyang pantaas na damit at pawis na pawis siya Tumawa siya sakin at mas lumapit pa siya kaya napalunok ako. "I cleaned your room". nakangiti niyang sagot at kinuha mula sa likod ko ang damit niya. "By the way, kukuha muna ako ng pagkain mo sa labas,maghilamos ka muna". sinuot niya ang sando niya at lumabas ng kwarto. Nakahinga ako ng maluwang ng sumara ang pinto, bakit ba ganit ang nararamdaman ko kahit hindi ko siya kilala o diko siya maalala. "Here's your food". paglabas ko ng banyo ay nakaupo na siya sa upuan at may mga pagkain na ang mesa. napalunok ulit ako ng ngumiti siya sakin "Ahhmm, salamat". umupo na rin ako katapat niya at sinimulan niyang ipagsandok ako ng pagkain, nang sumubo ako ay nakatingin lang siya sakin at walang laman ang pinggan niya. "Hindi ka ba kakain?". tanong ko sa kanya pero ngumuso lang siya. "Ahh". nagulat ako ng ilapit niya ang bibig niya sakin nagpapahiwatig na subuan ko siya kaya nailang ako. Tumawa siya at umayos ng upo. "I cleaned your room, so you owe me one". nakangiti niyang sabi at nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. "Ahh". halos hindi ako makatingin ng maayos sa kanya habang sinubo ko ang pagkain na nasa kutsara ko dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko. pinilit ko nalang na kumalma habang nagpapatuloy kami sa pagkain. Matapos kaming kumain ay siya ang nagligpit ng mga plato habang ako ay pinapanood lang siyang gawin iyon. Nagising ako sa ingay ng gitara ngunit tumigil ito kaya bumangon at nakita ko siyang nakaupo kaharap ko. "Let's go somewhere". seryoso niyang sabi sakin at binitawan ang hawak na gitara. "Saan tayo pupunta?". tanong ko pero ngumiti lang siya at may binigay siya sakin na paper bag. Binuksan ko ang laman ng paper bag at may laman itong blue na Jacket at leggings at ang sabi niya ay isuot ko daw. Tumingin ako sa salamin bago lumabas banyo at nasa kama ko siya at nakahiga. "Are you ready?". tanong niya at bumangon, tumango lang ako at lumapit siya sakin at sinuot sa akin ang putting bonet sa ulo. Lumabas kami ng room ko at walang nakapansin na nurse samin, sumakay kami ng elevator at pagbukas niya ng pinto ay malamig na hangin ang sumalubong sa mukha ko, nasa rooftop kami ng hospital, umupo kaming dalawa sa mga bench na nandoon at nagsimula siyang magsalita. "Narinig mo na ba ang kwento ni Hayden at Isla?". tumingin siya sa akin at ngumiti at tumingin lang din ako sa kanya. "Si Hayden ay anak ng sapilitang kasal ng magulang niya and he know about it kaya hinanap niya ang babaeng palaging pinag-aawayan ng magulang niya at sa paghahanap niya sa babaeng iyon ay natagpuan niya si Isla, He fall inlove with Isla kahit hindi niya kilala ang babae, they become friends and then one day Isla got sick kaya pinuntahan niya ito sa hospital para dalawin and he saw a familiar face. Saka niya nalaman na ang babaeng mahal niya ay anak ng babaeng laging pinag-aawayan ng magulang niya". huminto si Aiden sa pagsasalita at tumingin sa akin. "Alam mo ba kung anong ginawa niya?". He smiled and look away. "Nalaman ni Isla ang totoo ng magising siya at natatakot siyang husgahan siya ni Hayden dahil kilala na siya nito, natatakot siya na baka mawala ang pagmamahal ni Hayden para sa kanya,kung kaya pa ba siyang mahalin nito ngayong kilala na siya ng lalaking mahal niya. But Hayden show up on her house that day with bouquet of flower, and Hayden said this to Isla, You gave me the way to know you, you gave me a sign to see what I am looking for, I love you like my father did to your Mom, and I want to re-write this story for us". huminto sa pagsasalita si Aiden at humarap sakin. "bakit hindi sinabi ni Isla ang totoo kay Aiden?". tanong ko sa kanya at ngumiti lang siya. "sa tingin mo anong dahilan niya?". balik niyang tanong sakin." Buti pa pumasok na tayo kailangan mo ng uminom ng gamot". gusto ko pa sana mag-stay pero lumalalim narin ang gabi at mukhang inaantok na si Aiden kaya bumalik na kami sa kwarto. Nasanay akong kasama siya palagi habang wala akong maalala minsan naman ay si Sky at tulad niya ay kinukwento nila sa akin kung anong ginagawa ko dati at mga paborito kong gawin,tinitigan ko ang maamong mukha ni Aiden habang natutulog ito sa katabing kama ko. Ang aliwalas tignan ng mukha niya at sa tuwing nakikita ko siya ay hindi mapigil sa pagkabog ang dibdib ko. Ilang oras ang lumipas at hindi pa din ako makatulog kaya dilat na dilat parin ang mata kong nakatingin lang sa kisame, maya-maya ay tumunog ang cellphone ni Aiden at may tumatawag na number lang, inis na bumangon si Aiden para sagutin ang tawag kaya nagpanggap akong tulog. "Uuwi ako bukas, yeah I love you too". Rinig kong sabi niya sa kausap at bigla nalang nag-iba ang pakiramdam ko, para akong may nalaman na hindi ko gusto pero napadilat ako ng dumampi ang labi niya sa noo ko at humiga siya ulit buti nalang madilim at hindi niya napansin ang pagdilat ko. Mas lalo akong hindi makatulog kakaisip jung sino ang kausap niya kaya kinuha ko ang phone niya ng magtext ang number na tumawag sa kaniya. Para akong nabunutan ng tinik ng tawagin siyang Anak nit sa text, Mama niya lang pala yon. Teka bat ko ba ginagawa to? Eh hindi ko nga siya maalala "Are you jealous?". Nahgulat ako ng magsalita siya kaya binitawan ko ang phone at humiga patalikod sa kanya. "I love you". He said in calm voice at ramdam ko na naman ang mga paru-parong nagliliparan sa tiyan ko. I just close my eyes while listening to his heavy breath.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD