PART 6

1149 Words
AFTER 3 MONTHS.. I woke up in unfamiliar place and unfamiliar face, who they are? Sino ako? Nilibot ko ang lugar at puro puti na pader ang nakikita ko at may pumasok na lalaki at natakot ako. "Sino ka?! Sino ako?! Anong ginagawa ko dito bat ganito yong suot ko?!". Nagulat ako ng umiyak ang lalaki at lumuhod pagkatapos ay may dumating pa na isang lalaki at babae at niyakap nila ako. "Gising kana anak ko,jusko po". Sabi nila sakin habang niyayakap nila ako at hindi ako makagalaw.hindi ako makagalaw, tinulak ko sila sa takot. "Lumayo kayo sa akin!, Sino kayo?! Asan ako?! Sino ako ?!". sigaw ko sa kanila at umiyak din sila,lumuhod din tulad ng ginawa ng unang lalaki. "Isla!, Ikaw si Isla! Hindi mo ba ako naalala? It's me, Aiden?". lumapit sakin ang unang lalaki at hinawakan ako sa mukha , natakot ako at umatras sa kanya. "Hindi! Hindi! Hindi! Hindi ko kayo kilala, lumayo kayo sakin!". May dumating na nakaputi na lalaki at may mga kasama siya, parang may sariling ang kamay ko na kumuha ng unan at binato sa kanila. "Relax Isla, hindi kami kaaway wala kaming gagawing masama sayo". Sabi sa akin ng nakaputing lalaki kaya tumigil ako at umupo sa kama. "Good Isla, andito kami para tulungan ka kailangan mo lang magtiwala sa amin". Sabi pa niya ulit at tinabihan niya akong umupo. "Ako si Isla?". Tanong ko sa lalaki. "Oo ija, pasyente kita at may Amnesia ka kaya hindi mo nakikilala ang mga Magulang mo at kaibigan mo pati na rin ang sarili mo kaya kumalma ka lang, tutulungan ka namin." Sagot sa akin ng nakaputi na lalaki at ang sinasabi niyang Magulang ko. Hindi ko sila kilala, ako si Isla at yong lalaki ay Papa ko daw at yong babae ay Mama ko?, Yong lalaking uanang nagpakita sa akin ay Aiden daw ang pangalan niya. pero may pumunta na isa pang lalaki at Sky daw ang ngalan niya, may kasama siyang babae na Chloe ang pangalan. Marami silang sinasabi sa akin pero ni isa ay wala akong maalala. Ang sabi ng doctor ay tatlong buwan akong tulog at wala ng kasiguraduhan na magising pa. Kasama ko naman ngayon si Aiden at ang Mama at Papa ko, hanggat wala akong maalala ay hindi ako pwedeng magtiwala sa kanila. AIDEN POV Gising na si Isla pero hindi niya kami maalala lalo na ang nangyari sa kaniya, sabi naman ng doctor ay pansamantala lang daw yon, nakatingin lang ako sa kanya habang kumakain kasama sila Tita, alam ko na nahihirapan parin siyang pagkatiwalaan kami. "Tita aalis po muna ako, kailangan ko pong pumasok babalik nalang po ako pagkatapos ng klase". Paalam ko at niyakap si Isla, kita ko ang pagtataka sa mga mata niya kaya ngumiti ako bago lumabas ng kwarto. Pumunta muna ako sa Court para I-check ang mga team ko dahil, hindi naming naipanalo ang last game at hanggang ngayon ay hindi pa kami nakaka-recover sa unang pagkatalo. "Team, magpahinga muna kayo". Announce ko saka umalis. Pagpasok ko ng room ay sinalubong ako ni Ayesha at hinila niya ako palabas. "Aiden kailangan natin mag-usap!" Binawi ko ang kamay ko at tinignan siya ng seryoso. "Nag-uusap na tayo". maikling tugon ko. "Bakit mo ba ako iniiwasan huh! kailangan kita Aiden pero parang wala lang ako sayo". bulyaw niya sa mukha ko. "Girlfriend mo ko pero lagi mong inuuna si Isla, puro Isla!". Pumikit lang ako habang pinagbabayo niya ng suntok ang dibdib ko. "Umamin ka nga sakin, May gusto ka ba sa kanya ha?!". "Lumayo ka na sakin Ayesha dahil matagal na tayong tapos!". Sagot ko at iniwan siya. Nakasalubong ko si Chloe sa daan kaya sabay na kaming bumalik ng Hospital. Pagdating doon ay tulog si Isla. "Paano na niyan, sigurado akong tatanungin ng mga pulis si Isla tungkol sa nangyari". Sambit ni Clhoe sa tabi ko habang pinapanood kong natutulog si Isla. "Temporary lang daw to sabi ng Doctor". maikling tugon ko. Payapa ang mukha niya habang natutulog, lumiit ang mga kamay niya at braso, pumayat siya ng husto ngunit ang ganda at aliwalas pa din ng mukha niya. Hinagkan ko ang mga kamay niya at hinintay na gumusing siya, papalubog na ang araw at makikita mula dito ang ang maiingay na transportasyon sa labas. ISLA POV Nagising ako ng masilaw ako sa sikat ng araw na nang-gagaling sa sliding door at tunog ng gitara sa gilid ko,pinanood ko si Aiden habang pinapatunog niya ang gitara at nagsimula itong kumanta, pumikit ako para pakinggan siya. "Hawakan mo ang aking kamay at tayo'y maghahasik ng kaligayahan". kanta niya sa kalmadong boses kaya hinintay ko ang mga susunod na bibigkasin niya. "Bitawan mo ang unang salita ako ay handa ng tumapak sa lupa, tapos na ang paghihintay nandito kana,oras ay naiinip ng dahan-dahan sinasamsam bawat gunita na para bang tayo'y dina tatanda". Kanta niya, ang ganda at kalmado ng boses niya,huminto siya saglit habang patuloy sa pag strum ng gitara. "Ligayang noo'y nasa huli sambit na nang iyong mga labi Parang isang panaginip ang muling mapagbigyan. Tayo'y muling magkasama ang dati ay baliwala Nagkita rin ang ating landas. Wala nang iba akong hinihiling kung di ika'y pagmasdan. Mundo ko ay 'yong niyanig, Oh ano'ng ligayang ika'y sumama sa akin Nais ko lang humimbing sa saliw ng iyong tinig Parang isang panaginip ang muling mapagbigyan, Tayo'y muling magkasama ang dati ay baliwala". Panatag ang kalooban ko At ika'y kapiling ko na Oh, kay tagal kitang hinintay Oh, kay tagal kitang hinintay Ligayang noo'y nasa huli Sambit na nang iyong mga labi Parang isang panaginipang muling mapagbigyan.Tayo'y muling magkasamaAng dati ay baliwala Ang dati ay baliwalaparang isang panaginip ang muling mapagbigyan.Tayo'y muling magkasamaang dati ay baliwala Panatag ang kalooban koat ika'y kapiling ko naOh, kay tagal kitang hinintayOh, kay tagal kitang hinintay." Tumigil na siya at dumilat ako, pinunasan niya ang mata niya at tumingin sa akin. "Kanina ka pa ba gising?". tanong niya sakin "Oo, ang ganda ng kanta". sagot ko sa kanya saka ngumiti. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinagkan ito, hinayaan ko lang siya at pumikit. "Mahal kita" Sambit niya kaya nagulat ako at binawi ang kamay ko. Mukha rin siyang nagulat kaya tumayo siya at umalis, naiwan akong nagtataka, wala akong magawa dahil wala akong maalala kaya hinayaan ko lang siyang umalis. Naiinip na ako dito, parang may gusto akong gawin at puntahan pero hinihintay ko pa ang sasabihin ng Doctor. Maya-maya ay dumating si Sky na may mga dalang pagkain. Pagkatapos kumain ay naisipan kong buksan ang sliding door para lumanghap ng hangin, gabi na at maliwanag ang mga maliit na ilaw na nang-gagaling sa mga katabing gusali at mga sasakyan sa daan. Pumikit ako at dinadamdam ang ingay sa labas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD