PART 5

1089 Words
CONTINUETION OF CHLOE POV "Kailangan po ng blood donor ng pasyente at dahil po sa Blood type niya ay mahihirapan po tayong makahanap ng AB-negative, wala ding sapat na stock ang Hospital at hindi rin namin pwedeng galawin ang namuong dugo sa utak ng pasyente dahil walang sapat na gamit ang Hospital namin kaya kailangan po natin siyang malipat sa malaking Hospital, Pasensya na po". Paliwanag ng Doctor sa amin. "Anong klaseng Doctor ka!, Anong klaseng Hospital to! Hahayaan niyo bang mamatay yong anak ko!". Sinugod ni Tito ang Doctor kaya pinigilan siya ng mga Nurse. Napaiyak nalang ako sa mga nalaman. Ilang minuto din ng kumalma si Tito at si Aiden, naghihintay pa din kami ng update at ililipat na nila sa ibang Hospital si Isla. Makalipas ang ilang minuto ay nilabas na nila si Isla para ibyahe sa ibang Hospital,hindi na rin ako nakasama pa at umuwi para makapag-hinga, ang magagawa ko nalang ngayon ay ipagdasal ang pag galing niya at tapusin ang mga pinagkatiwala niyang mga gawain sa School. Kinabukasan ay nalaman narin ng School ang nangyari, nag imbistiga na rin ang mga pulis ngunit ni isa ay wala man lang makapagsabi sa nangyari, may mga nakitang traces na galing siya ng cr at mula doon ay hindi na ito kuha ng cctv at sira ang cctv sa bodega kaya iniisip nila na pinlano ito. "Sky, bakit umalis ka kahapon? Nilipat na rin ng Hospital si Isla, dadalaw ako mamaya baka gusto mong sumama". Malungkot kong sabi sa kanya ng Makita ko siya sa Rooftop. "Kita nalang tayo sa labas ng gate, hihintayin kita after School". Sagot niya sakin at umalis. Bumaba na rin ako at nakita ko si Ayesha na may kausap sa phone at mukhang nag-aaway sila, dumaan ako at para siyang nakakita ng multo na binaba ang tawag. "Oh bat parang gulat na gulat ka?". Tanong ko sa kanya at namutla siyang tumingin sa akin. "May sakit ka ba?". Tanong ko pa "Wala, kanina kapa nanjan?". Sagot niya kaya kumnot ang kilay ko. "Kaka-baba ko lang,sige una na ko". sabi ko saka nilampasan siya. Nyare don?ang weird niya simula pa nong nasa Hospital kami, balisang-balisa siya. Hindi ko nalang pinansin baka nag-aalala din siya sa nangyari kay Isla at hindi namin alam baka isa din sa amin ang isunod lalo na wala pa kaming suspect sa nangyari. Pagkatapos ng klase ay nakitang ko si Sky na nakatayo sa labas gate at naninigarilyo, Nag ditch siya ng klase kanina, si Aiden naman ay hindi na pumasok. "Tara na". Ani ko at tinapon niya ang sigarilyo saka kami sumakay sa sasakyan niya. Pagdating namin sa Hospital ay nandoon si Tito Ken at Tita Yena, kitang-kita ko sa mata nila ang pagod lalo na si Tito Ken. Niyakap ako ni Tita Yena at umiyak ito. Nakatingin lang sa amin si Sky pero kita sa mukha niya ang lungkot. Maya-maya naman ay lumabas si Aiden galing sa Private room ni Isla at hindi pa rin siya umuuwi simula kahapon dahil suot niya parin ang jersey na suot niya sa training at mukhang wala ding tulog dahil kita ko ang pagod sa mata niya. "Aiden, umuwi ka muna para magpahinga, nandito kami ni Sky para magbantay kay Isla". Sabi ko at tumango lang siya at hinubad ang gown, dire-diretso lang itong umalis at naiwan kami doon. Pumasok kami sa loob para Makita din ang kalagayan ni Isla, natutulog pa din siya habang nasa katawan niya pa din ang tubo. Kasama ko si Sky, humagulgol nalang siya at napaiyak an rin ako. "Ang sabi ng Doctor ay wala pang kasiguraduhan na magigising si isla dahil sa pinsala ng kanang bahagi ng ulo niya pero alam naman natin na malakas siya at babalik siya sa atin". Paiyak na sambit ko habang hawak ang malamig na kamay ni Isla. Rinig ko ang pagbukas at sarado ng pinto, ibig-sabihin ay kailangan na namin lumabas. Naghintay lang kami sa labas at maya-maya din ay lumabas din sila Tito. Tumayo na rin ako para umalis, hindi ako pwedeng mag-stay dahil marami pa akong gagawin at kailangan kong malaman kung sino ang may gawa nito. "Babalik nalang po ako bukas Tito, may dala po akong pagkain, kumain po muna kayo ni Tita". Inabot ko ang plastic na may pagkain at tinanggap iyon ni Tita kaya umalis na ako, nag-stay naman si Sky doon para samahan sa pagabantay sila Tita. AIDEN POV I took shower before going to bed I'm so tired and I still have game this week, hindi ko na alam kung anong uunahin ko, tumingin ako sa sulok ng kwarto ko kung nasaan ang tambak na plates at projects. Humiga ako pinikit ang mga mata but my phone rang at inis kong sinagot. "Babe bat di ka pumasok kanina,nag text din ako sayo pero dika nagre-reply, teka nasan ka ba?". Napabuntong-hininga ako bago magsalita. "Home, I'm tired Ayesha not right now, please!" Inis kong bulyaw sa kanya. "So, you're there with Isla at nagpapaka-superhero, wow Aiden?!". bulyaw niyang pabalik sakin "Sorry, I'm just tired okay". Mahinahon kong sagot and then I close my eyes. "I need you right now Aiden!". Galit na sigaw niya sakin kaya pinatay ko ang phone and then I try to sleep. After 5 hours I woke up with bad headache, hindi pa pala ako kumain. "Aiden kumain kana pinagluto kita ng ulam". Tawag sakin ni Mama kaya bumaba na ako para kumain. "Kumusta si Isla? siyaka kung babalik ka mamaya dalhin mo tong pagkain para makakain naman ang Papa at Mama niya." Ani ni Mama at nilapag sa mesa ang mga pagkain. "Thanks Ma and uh Hindi pa rin nagigising si Isla ang sabi ng Doctor wala nang kasiguraduhan na magising siya". Sagot ko kay Mama. "Nakaka-awang bata, napaka-bait pa naman non. Pero kailangan mo din pumasok sa School at magpahinga Nak, tignan mo yang itsura mo". Ani ni Mama kaya tumayo na ako at dinala ang pagkain plabas ng bahay. "I know Ma, but Isla need me". Niyakap ako ni Mama bago umalis. Pagdating sa Hospital ay saktong tanghalian kaya binigay ko ang pagkain na dala para makakain sila Tita, andito rin ang pinsan ko at lumapit siya sakin. "May balita na ba?". tanong ko sa kanya. "Wala pa din, kahit suspect wala". Sagot niya habang naka duko. Pinauwi ko siya para makapagpahinga din. Pumasok naman ako sa loob at ganon pa din si Isla hindi pa din siya nagigising. "I'm here Isla, Please wake up". sambit ko AUTHOR: Keep supporting this story guys!!! thank you all!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD