AFTER TWO MONTHS....
Simula na rin ng busy schedule,pojects and plates lalo na ngayon na busy ang mga clubs para sa kanya-kanyang gagawin papalapit na kasi ang Intrams, kasama ako sa Design club kaya samin nakaatang ang pag de-decorate sa gagawin na fashion show at iba pa, hindi pa naman pwedeng excuse yon kaya gabi na rin ako nakakauwi at ganon pa den si Sky, lagi niya akong sinasamahan minsan naman ay si Aiden.
"Okay Class, Pipili kayo sa kaklase niyo ang magiging representative natin sa Fashion show". Announce ng teacher namin pero hindi ko na pinansin dahil tinatapos ko pa ang planning ng mga designs, ako kasi ang ginawa nilang leader at wala pa akong maisip na pwedeng pagkukuhanan ng budget sa gagawin namin dahil hindi kasya ang binigay saming budget.
"Ms. Lorenzo then". Nagulat nalang ako ng tawagin nila ako at nagpapalakpakan sila. "Come into my office after class Ms.Lorenzo". Dagdag pa ng teacher ko at napa oo nalang ako kahit diko alam kung anong sinasabi niya.
"Omg ikaw ang representative ng Course natin para sa Fashion show!". Masayang sabi sakin ni Chloe kaya nagulat ako.
"Ako?!". Gulat kong tanong sa kanya
"Eh sino pa ba, hay naku hindi kana naman nakikinig noh, masyado kang busy sa preparation kaya buti pa ibigay mo nalang sakin yan, kami nang bahala sa planning decoration,update nalang kita". Masaya niyang sabi, eh parang wala narin naman akong choice. Buti nalang kasama ko si Chloe sa Club,siya nalang din maasahan ko.
"Sigurado ba kayo?". Tanong ko pa
"Ano ka ba kayang-kaya na namin yon syaka para makapag rest at makapaghanda ka". Dagdag pa niya saka kinuha ang Planning note namin at umalis.
Dali-dali na rin akong pumunta sa office ni Ma'am Del mundo, kinausap niya ako tungkol sa preparations at sa mga gagawin, bukas ay magsisimula na akong mag practice at siya na rin ang kumuha ng Mentor para sakin. Paglabas ko ng opisina niya ay dumiretso ako ng cr para maghilamos, sobrang haggard ko tignan at sobra akong na pe-pressure.
"So are you happy?". Nagulat ako ng biglang sumulpot ang diko kilalang babae at may kasama pa siyang dalawang babae
"Anong kailangan niyo?" Tanong ko pero tumawa lang ang mga kasama niya.
Nagulat ako ng hilahin ng isang babae ang buhok ko at ang isa naman ay sinampal ako at nanonood lang ang isang sa akin, Sinipa ko ang isang babae at natumba siya.
"Ano bang kailangan niyo ha, wala akong ginawang masama sa inyo, pwede ba tigilan niyo ako". Tumawa lang sila at sinugod ulit ako ng isang babae, walang makakarinig sakin mula sa labas dahil sinarado nila ang pinto kaya kahit anong sigaw ko ay mauubos lang ang lakas ko.
"Masyado kang pabida, masyado kang papansin!". sigaw ng isang babae sakin at sinampal ako.
"Una nilandi mo si Aiden diba kaya dumidikit ka sa kanya tapos dikapa nakuntento pati pinsan niya pinatos mo pa!". sigaw ulit sakin, nakaluhod na ako habang hawak ako ng dalawa pang babae, kumikirot na rin ang mukha ko at ramdam ko ang pagtulo ng dugo sa ilong ko kaya wala na akong laban sa kanila.
Kitang-kita kong may hinahalo sa tubig ang babae at amoy na amoy ko ang amoy ng Acid, Magsasalita na sana ako ng sampalin ako uli ng isang babae at tumama ang ulo ko sa pader, bigla nalang lumabo ang paningin ko at may lumabas pang isang babae sa cubicle at nanigas ang buong katawan ko ng makilala ko kung sino iyon kitang-kita ko din ng ibuhos nila sa akin yong tubig bago dumilim ang lahat..
"Bakit?" nasambit ko pa.
CLHOE POV
Hapon na ng matapos kami sa ginagawa naming plano para sa darating na event,bumalik muna ako ng room para kunin ang natira kong gamit.
"Hindi pa ba umuwi si Isla?" nagtataka ako dahil andon pa ang mga gamit niya sa desk pati cellphone niya.
Hinanap ko sa opisina ni Ma'am Del Mundo pero ang sabi umalis na daw, hindi talaga maganda ang kutob kaya pumunta ako ng Court baka kasama niya si Aiden, Nag te-training pa kasi ang mga player para sa darating na laro. Pagdating ko ng Court ay nakita ko si Aiden na nagte-training kasama ang team niya.
"Aiden ahmm pasensya na sa abala pero nakita niyo ba si Isla?". Tanong ko sa kaniya
"Hindi, bakit?". Tanong niya naman sakin.
"Eh kasi hindi ko siya mahanap, pero andon pa ang mga gamit niya sa Room". Sabi kaya napatigil sila at lumapit na din si Sky.
"Ilang minuto ko na rin siya hinahanap eh". Dagdag ko pa
"s**t!". Sabay na mura ni Aiden at Sky
"Tigil muna ang training, tulungan niyo kaming hanapin si Isla". utos ni Aiden sa mga kasama niya at sinimulan na namin maghanap.
Pero halos isang oras na kami naghahanap, wala pa rin kaming Isla na Makita kaya napatigil kami dahil sa pagod at medyo madilin na rin ang paligid, hindi talaga maganda ang pakiramdam ko at tinry namin iopen ang phone niya pero lowbat na din to, kasama na rin namin maghanap ang mga guard.
Hanggang sa may tumawag saming isa sa mga kasamahan nila Sky na namumutla at tinuturo niya ang bodega ng School kaya napatakbo kaming tatlo papunta doon. Para akong tinakasan ng lakas ng Makita ang babeng nakahandusay sa may sulok at puro dugo ang suot na uniform,may mga paso ito sa mukha.Para kaming natulala ng makilala namin kung sino yon dahil sa anklet na suot nito.
"Isla!!". sigaw ko saka nilapitan ito, puro dugo ang katawan niya at halos hindi ko na makilala ang mukha, napaiyak na rin ako sa takot. Nang tignan ko sila Aiden ay para silang nabato sa kinatatayuan kaya sinigawan ko sila ang iba naman nilang kasama ay tumawag ng tulong.
Maya-maya ay dumating na Ambulansiya at sinugod na namin siya sa Hospital, wala pa ding kibo si Aiden at Sky, nakatulala lang sila kay Isla na binibigyan ng First-Aid ng nurse habang tinatakbo namin siya sa Hospital. Pagdating doon ay hindi na kami pwedeng pumasok sa loob,kinontak narin namin ang parents niya at papunta na sila. Pareho kaming tatlo na nakatanga ng lumabas ang doctor.
"Kayo ba ang kamag-anak ng Pasyente?" Tanong ng doctor samin kaya tumayo kami.
"Kaibigan po,papunta na rin po ang mga magulang niya". Sagot namin
"Didiretsuhin ko na kayo. Hindi maganda ang lagay ng pasyente, nasunog ng chemical ang kaliwa niyang mata at may malaking pasa ang kanang ulo niya, marami naring nawalang dugo sa kanya kaya kailangan na naming siyang maoperahan, excuse". Napaupo nalang ako sa narinig, bumalik na ang doctor sa loob. Bigla nalang sinuntok ni Aiden ang pader at si Sky naman ay umalis bigla.
"Nasaan ang anak ko?!". Bigla nalang dumating si Tita Yena kasama ang Papa ni Isla at si Ayesha.
"Nasa loob pa po Tito". Ani ko at hindi ko na maipapatuloy ang pagsasalita ng ilabas si Isla para ilipat sa operating Room at kinausap ng doctor sina Tito at Tita, Si Aiden naman ay dinadamayan ni Ayesha,nagulat nalang kami ng mahimatay si Tita Yena kaya sinugod siya sa ER at si Ayesha ang nagbantay sa kanya, kami naman ay sumunod sa OR at nagdadasal . Katabi ko rin si Aiden at ang Tatay ni Isla.
Sa sandaling naging magkaibigan kami ni Isla ang masasabi ko lang ay napakabait niyang kaibigan at lagi siyang nangunguna sa klase, palaging nagiging success ang mga group projects namin, bakit kailangan pang mangyari sa kanya yon, masunog na sana sa impyerno ang gumawa sa kaniya nito.
Makalipas ang halos dalawang oras ay lumabas ang doctor na dismayado ang mukha.
"Kumusta ang anak ko Doc". Tanong ni Tito sa Doctor at huminto ang Doctor bago magsalita.
Kitang-kita ko ang pag-iyak ni Tito sa nalaman,si Aiden naman ay ganon din at ngayon ko lang siya nakitang ganon. Niyakap ko nalang siya at napaiyak na rin,pinapakalma naman ng mga Nurse si Tito dahil nagwawala ito.