PART 3

1705 Words
Maaga akong gumising para makapaghanda.It's my first day in my new School at kinakabahan talaga ako, relax Isla isang taon lang to. Sinuot ko na ang uniform ko at bumababa na para kumain ng almusal. "Aba excited ka na, oh kain na baka ma late pa kayo". Ani ni Tita Yena, nasa tapat ko naman sa Ayesha na kumakain din. "At oonga pala, umalis yong Papa mo pupunta siya ng Mindanao para sa business niya kaya tayo muna ang maiiwan dito ng ilang araw, binigyan ka ng card ng Papa mo diba Isla yon muna tipirin mo". Ani ni Tita Yena sakin habang kumakain kami. "Ahh opo Tita syaka may cash pa nama po ako. incase". Sagot ko naman "What about me Tita?" Tanong ni Ayesha. "Diba binigyan na kita, yon nalang muna tipirin mo". Tumayo bigla si Ayesha at inis na lumabas pero pinigilan siya ni Tita. "Ayesha!! Bakit ka ba nagkakaganyan ha!". Tinignan ko lang silang dalawa. "That's not enough Tita, Bakit dimo nalang din ako bigyan ng card like Isla, right Isla?". Tumayo ako at nilabas yong card na binigay sakin ni Papa at inabot ito sa kanya. "Hindi ko pa naman kailangan yan, gamitin mo muna baka may kailangan kang bilhin". Ani ko ngunit pinigilan ako ni Tita. "You can't do this Ayesha!". Pagalit na sigaw ni Tita. "But Isla insist". Sagot niya kay Tita at kinuha ang card sa kamay ko saka naunang lumabas. "It's okay Tita, Calm down and I need to go". niyakap ko muna si tita bago lumabas at sinundan si Ayesha, Nasa sasakyan na siya kaya sumakay na rin ako, Kumuha ng driver si Papa para sa service namin. "Hindi mo dapat pinagsalitaan ng ganon si Tita". Ani ko sa kanya "Look Isla, Thank you for this card but it's none of your business and you insist that I can use this". Sagot niya sakin kaya nainis akong tumngin sa kanya. "What' wrong with you?!". pagalit sabi sa kanya. "We're not close Isla so don't act like we are". Sagot niya na mas kinainis ko. "Hindi mo pwedeng ganunin lang si Tita, wala ka bang respeto?". Sagot ko naman sa kanya "Respect? Ha ha ha funny." sagot niya saka bumaba ng sasakyan, pinabayaan ko nalang siya at bumaba na din. Kinalimutan ko muna ang alitan namin ni Ayesha at hinanap na ang Classroom ko. Habang naglalakad ako sa hallway ay may sumabay sa akin kaya napatingin ako kung sino yon. "Hey,Isla right?". Ani niya sakin "Uhmm yeah, and you are?". Tanong ko pero ngumisi lang siya at naunang naglakad sakin. "Uhhmm tao". Nakangisi niyang sagot at iniwan lang ako. Binilisan ko nalang maglakad at nakasalubong ko si Aiden na may dalang mga libro. "Hey Aiden, Tulungan na kita". Ani ko at binigay niya sakin ang kalahati "Classmate pala kita". Ani niya at sinundan ko lang siya "Really? Sasabay nalang din pala ako sayo pumasok,kanina ko pa kasi hinahanap yong Room natin". sagot ko at sabay kaming pumasok, nagsitinginan naman ang mga kaklase ko isa na doon si Ayesha, magkaklase din pala kami. Pagkatapos ilapag ang mga libro ay naghanap ako ng mga mauupuan, may tatlong bakante sa likod kaya doon ako umupo sa gitna,magulo ang mga kaklase ko kasi wala pa kaming prof. kaya pinapanood ko lang sila hanggang sa tumabi sakin si Aiden. "So,bakit Architecture naisip mong kuning course?". tanong niya habang nakatingin sakin kaya nailing ako dahil ang fresh ng mukha niya at amoy ko ang mild perfume niya. "Well, let's say it's my passion". nakangiti ko naming sagot. Tumango lang siya saka hiniga yong ulo niya sa desk at tumingin sakin kaya nailing ako at umiwas ng tingin, doon ko lang napansin na pinagtitinginan kami ng mga kaklase namin isa na don si Ayesha na masama ang tingin sakin hanggang sa narnig ko ang mga bulungan nila. "Akala ko ba nililigawan ni Aiden si Ayesha" "Nilalandi niya si Aiden, ang kapal naman ng mukha niya" "Masyado siyang papansin kay Aiden" "s**t!" Nagtaka akong tumingin kay Aiden at parang narinig din niya kaya nginitian niya ko saka tumayo. "So, This is Isla ---" Hindi na natapos ni Aiden ang sasabihin niya ng pumasok si Mr. Tao habang tumatawa at nabigla ako ng tumabi din siya sakin at inakbayan ako kaya mas lalong lumakas yong bulong-bulungan ng mga kaklase namin. "Good morning Class!". Nagsi-upuan na kami ng biglang dumating ang Advicer namin. Kinabahan ako lalo ng ma-realize na napapagitnaan ako ng dalawa. At may mga matang nakatingin samin, tinignan ko din si Ayesha at ang sama ng tingin niya sakin na parang may nagawa akong kasalanan. "Aiden Villara!". Tawag ng Teacher namin at tumayo si Aiden para sa magpakilala. Madami pa ang tinawag para sa Attendant saka huminto ang teacher. "Sky Lucheese!". Nagulat ako ng tumayo pa ang isang katabi ko. Natapos na ang Introduction at binigyan lang kami ng lecture, ngayon ko lang nalaman na magpinsan pala si Aiden at Sky, sikat sila sa school na to dahil Captain ng basketball team si Aiden at Mvp player naman si Sky. Kaya pala ganon nalang ako tignan ng mga babae, at about sa sitting arrangement bawal na lumipat ng pwesto, Sinuwerte ka nga naman oh. Breaktime na kaya tumayo na ang mga kaklase ko at naiwan kaming tatlong nakaupo at si Ayesha kaya tumayo si Aiden at hinawakan ang sa kamay para tumayo pero hinila ako ni Sky kaya napa upo ako ulit, seryoso silang nakatingin sa isa't-isa hanggang hinila ni Ayesha si Aiden kaya binitawan niya ako at sumama siya kay Ayesha palabas ng Room, tinignan ko lang silang paalis at naiwan kami ni Sky, binawi ko ang kamay ko at lumabas na ng room. Habang naglalakad ako sa hallway ay pinagtitinginan ako ng mga estudyante kaya binilisan ko nalang maglakad papuntang Canteen hanggang sa inakbayan ako bigla ni Sky na kanina pa pala nasa likod ko,kaya pala ako pinagtitinginan. "Bat mo naman ako iniwan?". Bulong niya sa tenga ko at tumayo ang mga balahibo ko kaya napalayo ako sa kanya, tumawa naman siya at sumabay sakin maglakad. "Bat mo ba ako sinusundan ha". Sabi at tinignan siya ng masama. "Hindi pa pwedeng sumabay lang?" Tanong niya habang ngumingisi. Binilisan ko nalang ang lakad ko at umupo sa bakanteng upuan ng Canteen, nahagilap ko naman sa kabilang mesa sina Aiden at Ayesha, Tumingin si Aiden sakin at ngumiti kaya ngumiti ako pabalik pero masama akong tinignan ni Ayesha kaya napaiwas ako ng tingin. "Anong gusto mong kainin?". Tanong sakin ni Sky habang nakaupo sa tapat ko, sinundan niya talaga ako. "Uhh kahit ano". Sagot ko kaya tumayo siya para kumuha ng pagkaihn namin at hindi ko talagang mapatingin sa kinaroroonan ni Aiden at nakatingin din siya sakin kaya napaiwas ako ng tingin. Maya-maya ay bumalik na si Sky na dala ang pagkain namin at naiilang ako sa mga nakatingin sa amin. Tahimik lang kaming kumakain hanggang sa nagsalita siya. "Free ka ba mamaya, may bagong movie gusto ko sanang panoorin". Ani niya kaya tumngin ako sa kanya. "Bat dimo panoorin". Maikling tugon ko naman "Wanna watch with me, treat ko". Nakangiti niyang sabi, nag-isip muna ako kung may gagawin ako mamaya. "Ahh sige". Sagot ko na kinangiti niya. "Later then,Give me your phone". Ani niya naman. "Bakit?" tanong ko sa kanya, kaya tumawa siya, weird! "I'll save my number para ma text mo sakin yong address mo". Sagot niya kaya binigay ko yong phone ko at tinry pa niyang tawagan yong number ko kung na save ba. Pagkatapos ay bumalik na ako sa room, iniwan ako ni Sky kanina kaya mag-isa nalang akong bumalik sa room, naabutan ko naman sila Aiden at Ayesha na nag-uusap mukhang galit si Aiden kaya umiwas nalang ako ng tingin at umupo na. Umupo na rin si Aiden sa tabi ko at tahimik lang siya. "Nag-away kayo?". Diko mapigilang tanong sa kanya. "Just some misunderstanding". Sagot niya at tumahimik nalang din ako Maya-maya ay bumalik na rin si Sky at ang Adviser namin, hindi ako makapag focus sa klase dahil sa dalawang katabi ko, Mukhang naiinis si Aiden at nakangiti naman si Sky. Pagkatapos ng klase ay tumayo na ako at dire-diretsong lumabas ng Room, nasa labas na rin ng gate si Kuya Noel kaya sumakay na ako at nauna nang umuwi nagtext kasi si Ayesha na may pupuntahan siya. Pagdating sa bahay ay wala si Tita Yena,sigurado nasa Clinic yon. Naligo ako at humiga muna sa kama, maaga lang pala yong out ng School 4:30 pa kasi. Naghanap na ako ng damit sa Cabinet para isuot mamaya. Simpleng backless black dress lang ang suot ko at nilugay ko lang ang buhok ko,naglagay lang din ako ng lipbam at flatshoes. Nagtext si Sky sakin kaya binigay ko yong address at hinintay ko nalang siya sa labas ng gate. Maya-maya pa ay may itim na sasakyan ang huminto at bumaba doon si Sky, Nakasuot lang siya ng Simpleng short at white shirt pero ang gwapo na pa din tignan. "Hi Beautiful". Ani niya at ngumiti sakin. "Shshs nambola ka pa". Sagot ko naman at tumawa. Pinagbuksan niya ako ng pinto at huminto kami sa isang Cinema, pinagbuksan niya pa din ako ng sasakyan at sabay kaming pumasok sa loob, Bumili din ng makakain si Sky at dala ko naman ang ticket namin, Syempre hindi mawawala ang tinginan pano ba naman eh ang gwapo ng kasama ko. Pagpasok namin ay umupo na din kami at nahagilap ko agad sina Aiden at Ayesha, nandito din pala sila. Maganda ang movie pero di ko maiwasang tignan sila Aiden lalo ng mahuli ko silang naghahalikan ni Ayesha. Sila pala, parang nawalan na din ako ng gana kaya lumabas na ako, sumunod naman si Sky "Hindi mo ba nagustuhan yong movie?" tanong niya sakin, Bat ba nagkakaganito ako. "Ah masama lang pakiramdam ko, gusto ko ng umuwi". Sagot ko nalang kaya hinatid na ako ni Sky sa bahay. "Thanks Isla". Ani niya bago umalis,Tumango lang ako at pumasok na sa bahay. Pagpasok ko ay wala pa ding tao kaya umakyat nalang ako at nagpahinga,ang weird ng nararamdaman ko. Nagtext pa si Sky na nakauwi na daw siya,Naghilamos muna ako saka binasa ang libro na paborito kong basahin bago matulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD