Iris POV "Nanay, nag-aaway po ba kayo ni Tatay?" kuryusong tanong ni Isagani. Nasa hapag na kami at kumakain ng almusal. Kanina pa masama ang tingin sa akin ni Mr. Andrado, sobrang sama talaga. Alam ko na kung wala ang anak niya ay kanina pa siya nagsalita upang ipahayag kung gaano siya kairita sa akin. "Hindi, 'nak." sagot ko. "Bakit po parang galit po si Tatay sayo?" bulong na tanong sa akin ni Isagani pero naririnig pa rin iyon ni Mr. Andrado dahil kasalo namin siya. Lagi namang galit iyan sa akin. Ngayong lang siguro nakita ni Isagani. "Hindi ko alam, 'nak, baka may sapi siya?" "What's sapi po Nanay?" "Sakit ng Tatay—" tinikom ko ang bibig ko nang padabog na ibinaba ni Mr. Andrado ang kutsara niya sa mesa. "wala lang iyon anak, nagbibiro lang ako." bawi ko na lang sa sinabi.

