bc

Single Hot Dad

book_age18+
5.9K
FOLLOW
122.4K
READ
billionaire
HE
friends to lovers
drama
bxb
gxg
single daddy
office/work place
assistant
passionate
like
intro-logo
Blurb

CEO. Self-made billionaire. Engineer. Professor. And a painter. Si Damian Armani Andrado ay kilala dahil sa kaniyang naging tagumpay sa buhay. Kilala rin bilang isang hottie na single dad with his five years old son, Isagani.

Kaya niyang ibigay ang lahat ng pangangailangan ng anak. Pero hindi ang Ina. Kaya naman naghahanap siya ng babaeng kayang gampanan ang pagiging ina ng kaniyang anak, pero ang kaniyang cute na cute na anak ay may napupusuan ng babae at gusto niya iyong maging ina. Iyon ay si Evangeline Iris Royales ang babaeng sumira ng pinakamaligayang araw sa buhay ko.

Galit ako sa babae, pero gusto siya ng anak ko. Ano ang gagawin ko?

chap-preview
Free preview
Simula
Damian POV "Si Gani? Nasaan?" hinanap niya kaagad ang anak niya matapos niyang kausapin ang mga kakilala niyang nakasalubong niya sa mall kanina. Pinabantayan niya ang anak sa Yaya nito. Pero pagbalik ko, naabutan kong wala ang anak ko tapos balisa pa ang muka ng babae. Wala pa man ay galit na ako kaagad. T—ng Ina! "Nasaan si Gani?" madiing tanong ko sa Yaya ng anak ko pero kahit pa ito nakakasagot, alam ko na kaagad ang nangyari. Ang muka nito ay naiiyak at puno ng takot. "You're fired. F—cking useless!" I cursed out of frustration. Tinawagan ko ang security ng Mall na pag-aari ko upang ipahanap ang anak ko. Agad na nagkalat lahat ng guard, maging ang mga guard ko din ay inutusan ko na. "Stay here!" sigaw ko babaeng inalisan ko ng trabaho nang akmang aalis siya, "mananagot ka kapag may nangyaring masama sa anak ko, naiintindihan mo?" "Opo. Opo. Pa-Pasensiya na po Sir." iyak nito sa akin. Huminga ako ng malalim upang pigilan pa ang galit na namumuo sa katawan ko. Hindi ko alam kung anong magagawa kung may nangyari sa anak ko. Baka makapatay ako. Inalis ko ang leather jacket ko at sumama na sa paghahanap sa anak ko. "Gani!" sigaw ko. Pinuntahan ko ang mga lugar na gustong gusto niyang puntahan. "Isagani! Anak!" habang lumilipas ang minuto na hindi ko makita ang anak ko ay mas lumalala ang galit at nagdudulot ng kaba sa dibdib ko. Ang anak ko. . . Sh—t! I went outside, finding my luck to see my son and I am not mistaken. I saw my son, crying, in front of a woman and he's calling her Nanay. Halos manghina ako dahil para akong nabunutan ng tinik sa dibdib dahil nakita ko na ang anak ko. He's safe. "Nanay! Nanay!" iyak ito nang iyak. Nakakakapit ito sa dulo ng damit ng babaeng nakatalikod sa gawi ko kaya hindi ko makita ang itsura niya. Hindi muna siya lumapit dahil para siyang nanghina dahil sa nakitang eksena. Ang anak niya. . . Ang anak ko, naghahanap pa rin ng Nanay. "Teka, bata! Hindi ako ang Nanay mo! Wala nga akong boyfriend tapos bigla akong nagka-anak." sabi ng babae. Naging alerto ako nang makita na aalisin ng babae ang kamay ng anak kong nakakapit sa damit niya. Akala ko aalisin niya iyon nang marahas pero hindi niya ginawa. Inalis niya ang kamay ng anak ko sa damit niya ng dahan dahan saka ito yumuko at hinawakan ang pisngi ng anak ko nang marahan na para bang isa itong babasaging bagay. "Wow, Diyos ko, ang instant ng sign mo ah?Ang bongga rin." kausap nito sa Diyos habang nakatingin sa langin. Crazy. Hindi ko mapigilang mapangiti at mapailing sa nakita. "Nanay! Nanay ko. . ." My heart ached in that scene. Ang anak ko, nangungulila pa rin siya at naghahanap ng Nanay. "Stop na, bata, hindi ako ang Nanay mo." "Hindi, ikaw ang Nanay ko! Nakita kita noon po!" iyak nito. "Huh? Hindi nga kita kilala eh." depensa naman ng babae. "Nanay!" mas lumakas ang iyak ng anak ko. Lalapitan ko na sana siya pero napatigil ako nang yakapin siya ng babae at pinatahan. At gano'n na lang ang mangha ko nang tumahan nga ito. Wow. Ang bilis tumahan ng anak ko sa tangan niya, samantalang pahirapan ko itong patahanin kapag umiiyak. "Wala ka bang Nanay? Huh?" "Meron po, ikaw." Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi ng anak ko. Nanay niya ang babae? Paano naman niya nasabi? At anong sinasabi ng anak ko na nakita niya na ang babae noo? "Ay ang kulet naman ng baby boy na 'yan. Hindi ako ang Nanay mo." Kumunot ang noo ko nang umiyak ulit ang bata. "Teka, teka tahan na. Segi, payag na ako. Ako muna ang Nanay mo huh? Hahanapin natin kung sinong kasama mo ngayon dito, okay ba?" malambing na pagkausap ng babae sa anak ko. "Ayaw ko po. Gusto po kitang maging Nanay forever." "Huh?!" gulat na bulalas ng babae. Maging ako ay nagulat din sa sinabi ng anak ko. "Teka. Wala ka bang Tatay? Kung wala kang Nanay, hindi pwedeng wala kang Tatay?" "Meron nga po akong Nanay, Ikaw po. May Tatay din po ako, nasa loob po ng mall." "Nasaan siya? Bakit pinapabayaan ka ng Tatay mo? Ang pogi pogi mong bata ka tapos hindi ka man lang mabantayan." sabi ng babae. Tumaas ang kilay ko. Hindi ko naman pinapabayaan ang anak ko ah? Nakaramdam ako ng inis sa sinabi ng babae at akmang lalapitan uli sila pero napatigil ako nang iniangat ng anak ko ang kamay niya sa babae. Gusto niyang magpabuhat sa babae. Nagugulat ako dahil bibiriha ko lang makita ang anak ko na ganiyan kabukas sa isang tao. Sa akin lang siya ganiyan, hindi sa ibang tao. Mailap din siya sa Lola at Lolo niya, maging sa mga kapatid at kaibigan kong matagal na niyang kilala tapos sa babaeng iyan? Magpapabuhat siya kaagad? "Sir," agaw pansin sa akin ng mga guard, nakatingin sila sa tinitignan ko at humihingi sila ng pahintulot na lapitan na nila ang babae at ang anak ko. "Don't. . . Let's just watch them." halos bulong na sabi ko habang nakatingin sa anak ko na hindi pa rin ibinaba ang kamay at nakataas pa rin iyon, gustong magpabuhat. Napa-atras ang babae, hindi malaman ang gagawin. Inilibot niya ang tingin sa paligid at napatigil siya nang nagsalubong ang tingin naming dalawa. Nanlaki ang mata niya nang makita ako. I stared her darkly. Telling her that I still hate her all these years. I hate her. I loathed her. Umiwas siya nang tingin sa akin na parang wala lang siyang nakita bago binaling sa anak ko ang atensyon niya. Binuhat na niya ang anak ko. "Isagani." tawag ko sa anak ko nang akmang maglalakad na sila palayo sa gawi ko. Lumingon ang anak ko at halos matunaw ako sa ganda ng pagkakangiti niya habang nakakapit sa babaeng sumira ng buhay ko. Kaya sinira ko rin ang buhay niya. "Tatay!" masayang sabi niya, "tara, Nanay! Papakilala kita sa Tatay ko!" sabi niya sa babae at biglang naglikot. Dumaan ang pagkalito sa muka ng babae, hindi alam kung susundin ba ang sinabi ng anak ko. "Anak mo?" gulat na tanong nito. "akala ko ba. . ." hindi niya natuloy ang sasabihin niya nang samaan ko siya ng tingin. "Tara na po, Nanay!" sabi ng anak ko. "Uh. . . baba ka na, baby boy. Punta ka na sa Tatay mo." sabi nito at inakmang ibababa ang anak ko pero agad naman humigpit ang kapit ng anak ko sa kaniya. "Saan mo dadalhin ang anak ko? Are you planning to kidnap him?" akusa ko. Nanlaki ang mata niya at kahit na ayaw bumitaw ng anak ko ay ibinaba niya ito. "Kidnap? Grabe ka huh! Bigla na lang siyang lumapit sa akin. Kidnap? Hindi ko siya kikidnapin 'no! Kahit wala akong makain hindi ko gagawin iyan sa inosente at cute na bata." depensa niya. Hindi pa rin nagbabago. Ang dami pa rin niyang nasasabi. "Baby boy, punta ka na sa Tatay mo. At sabihin mo na hindi kita kinikidnap." "What's kidnap po?" inosenteng tanong ng anak ko. "Gani, come here." "Nanay. . ." umiling si Isagani sabay yakap sa babae. Ayaw sumunod ng anak ko sa akin dahilan para masama kong tinignan ang babae na nakatingin din sa bata. "Get her." utos ko na sa pulis at guard na kasama ko. Nataranta ang babae. "teka lang naman! Hindi ko kikidnapin ang anak mo! Makinig ka nga! Aw! Ang sakit no'n, boss ah." reklamo niya nang nilagyan ng posas ang kamay niya. "Nanay! Tatay! Bakit po hinuhuli ang Nanay ko!" iyak ng anak ko, ngayon pumunta na siya sa akin at umiiyak. "Because she's a bad person. Hindi mo siya Nanay." pagpapa-intindi ko sa anak ko pero mas lumakas lang ang iyak niya. "Hoy! Ipapakulong mo ako?! Hindi pwede! Hindi ko naman kikidnapin anak mo eh! Siya ang lumapit sa akin! Hinayaan mo siya! Pinabayaan mo siya kaya siya nakalapit sa akin!" Nag-init ang dugo ko sa sinabi niya. Masamang tinignan ko siya. "What did you say?" madiing tanong ko. "I'm stating fact. May CCTV naman riyan. I demand a copy. Panoorin mo na rin nang makita mo na hindi ko siya kinuha, siya ang lumapit!" sigaw niya, hindi ako nakapagsalita nang siya na mismo ang umaya sa mga pulis na umalis na sa harapan ko. Siya pa ang nauna na pumasok sa mobile car.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.6K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook